Marjorie Barretto quashes jersey issue involving Julia Barretto, Gerald Anderson

by Rachelle Siazon
Aug 26, 2019
Marjorie Barretto reacts to speculations about her daughter Julia Barretto (right) and Gerald Anderson (left) wearing the same jersey No. 3 at All-Star Games 2019.
PHOTO/S: Allan Sancon

Pinabulaanan ni Marjorie Barretto ang espekulasyong sinadya ng anak niyang si Julia Barretto at ng aktor na si Gerald Anderson na parehong jersey number ang isuot sa All-Star Games 2019.

Ito ay matapos umanong makaagaw ng pansin na parehong No. 3 ang suot na jersey ng kapwa Star Magic artists na sina Julia at Gerald.

Pinangunahan ni Gerald ang Team Gerald ng Star Magic artists sa men's basketball, habang si Julia naman ay nanguna sa Team Julia para sa women's volleyball game.

Continue reading below ↓

Ginanap ang All-Star Games 2019 nitong Linggo, August 25, sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa Instagram post ni Marjorie kagabi, ibinahagi niya ang video kunsaan makikitang humalik siya kay Julia sa sidelines ng court.

Continue reading below ↓

Sa comments' section, may ilang netizens ang kumukuwestiyon kung bakit pareho ang jersey number ng anak niyang si Julia at ni Gerald.

Paglilinaw ni Marjorie: "Let me correct this before the story gets big and out of hand again.

"Number 3 has always been Julia's jersey number since her high school volleyball varsity days.

"No special meaning."

Continue reading below ↓

Nanalo ang team ni Gerald kontra sa Team ng It's Showtime sa basketball, pero natalo ang team ni Julia sa team ni Kim Chiu sa volleyball.

JULIA DENIES RUMORED ROMANCE WITH GERALD

Noong August 22, diretsahang sinabi ni Julia na walang namamagitan sa kanila ni Gerald.

"Wala akong inahas," giit ni Julia.

Sabi pa ni Julia, sa panayam ng ABS-CBN News, hindi siya nililigawan ni Gerald.

Gayunman, tila hindi isinasara ni Julia ang pinto sa posibilidad na mangyari iyo sa "tamang panahon."

Aniya, "Naniniwala ako na may tamang panahon at oras para sa mga bagay na ganyan.

"Pero nananatili siyang matalik kong kaibigan ngayon."

GERALD'S AUGUST 5 STATEMENT

Noong July 23, naiulat sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang impormasyong "umamin" si Gerald na hiwalay na sila ni Bea at "nanliligaw" siya kay Julia.

Sinabi raw ito ni Gerald nang magkausap sila sa telepono ng ama ni Julia na si Dennis Padilla.

Continue reading below ↓

August 5 nang magsalita si Gerald sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Bea.

Ayon kay Gerald, hindi si Julia o sinumang third party ang mitsa ng breakup nila ni Bea.

Hinggil sa balitang nagkausap sila ng ama ni Julia sa telepono, kinumpirma ito ni Gerald.

Pero hindi nilinaw ni Gerald kung may katotohanan ang lumabas na impormasyong umamin siyang "nanliligaw" siya umano kay Julia.

Ang tanging nabanggit lang noon ni Gerald ay nagkausap daw sila ni Julia tungkol sa kinasangkutan nilang isyu.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto reacts to speculations about her daughter Julia Barretto (right) and Gerald Anderson (left) wearing the same jersey No. 3 at All-Star Games 2019.
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results