Kim Chiu and Xian Lim sweetness overload at All-Star Games 2019

by Bernie V. Franco
Aug 27, 2019
Kim Chiu and Xian Lim are now more comfortable in expressing their love for each other publicly since their admission in November 2018. Photos show Xian and Kim hug and kiss each other in public, like at the All Star Games 2019.
PHOTO/S: Photos grabbed from @fangirl_jai on Instagram

Mas kumportable na sina Kim Chiu, 29, at Xian Lim, 30, sa pagpapahayag ng kanilang damdamin sa publiko mula nang aminin nila ang kanilang relasyon noong November 2018.

Gaya na lamang sa ginanap na All-Star Games 2019 sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City, nitong Linggo, August 25.

Naging supportive boyfriend si Xian nang magpunta ito sa venue para panoorin ang game ni Kim.

Si Kim ang nagsilbing team captain ng kanyang koponan (Team Red) sa volleyball kontra sa team na pinangunahan ni Julia Barretto (Team Blue).

Sa mga kuhang videos na na-upload sa Instagram, mapapanood na tumakbo si Kim papunta sa kinauupuan ni Xian.

Tumalon at nagpakarga pa ang Kapamilya actress sa boyfriend.

Isang mariing halik sa pisngi naman ang ginawang pagsalubong ni Xian sa girlfriend.

Continue reading below ↓

Tila naging inspirado naman si Kim dahil ang kanilang team ang naging champion sa volleyball match laban sa grupo ni Julia.

XIAN SHOWS SUPPORT TO KIM

Sa kanyang Instagram account, binati ni Xian si Kim sa kanilang pagkapanalo.

Mensahe ng aktor: “Congratulations Team Red @chinitaprincess!!!

“Sobrang kang nag practice at nag focus for this ang galing niyong lahat!”

Continue reading below ↓

Sa ilang stolen shots naman na ipinost sa Instagram ay makikita si Xian na may hawak na cheering sticks balloons at nagtsi-cheer para kay Kim.

Continue reading below ↓

Sa isang Instagram Story ni Kim, ni-repost niya ang message ni Xian sa kanya.

Message ni Kim sa boyfriend: “aww!!! Thanks for showing up last night [kissing emoji]”

Sa isang punto naman ay binigyan pa ng flying kiss ni Xian si Kim bago ito mag-serve.

Continue reading below ↓

Maging sa kanilang interviews, mas kumportable na rin ang dalawa kapag natatanong tungkol sa kanilang relasyon.

THE CONFIRMATION

Kinumpirma ni Kim ang relasyon nila ni Xian nang mag-guest ang aktres sa episode ng ABS-CBN entertainment late-night talk show na Tonight With Boy Abunda noong November 2018.

Noong February 2019, nang mag-guest naman si Xian sa parehong show, sinabi nitong “it’s been years” na silang magkarelasyon ni Kim. Subalit hindi niya tinukoy ang eksaktong bilang ng taon ng kanilang pagsasama.

Unang nagtambal sina Kim at Xian sa ABS-CBN prime-time series na My Binondo Girl noong 2011.

Dito nabuo ang tambalang KimXi.

Kasunod nito ay nakagawa sila ng mga teleserye at mga pelikula.

Sa telebisyon, pagkatapos ng My Binondo Girl, nagtambal sila sa Ina, Kapatid Anak, (2012) at The Story of Us (2016).

Nagsama naman sila sa mga pelikulang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? (2013), Bride For Rent (2014), Past Tense (2014), at All You Need is Pag-Ibig (2015).

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu and Xian Lim are now more comfortable in expressing their love for each other publicly since their admission in November 2018. Photos show Xian and Kim hug and kiss each other in public, like at the All Star Games 2019.
PHOTO/S: Photos grabbed from @fangirl_jai on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results