Kira Balinger admits past relationship with Kapamilya actor "R"

by Jet Hitosis
Aug 28, 2019
Kira Balinger admits that she had once been in a relationship with a Kapamilya actor, who she refused to name. In a previous interview with PEP.ph, the 19-year old Star Magic artist said "labels don't matter" with regard to her relationship with Hashtag member Ryle Santiago.
PHOTO/S: Kira Balinger on Instagram

Inamin ni Kira Balinger ang relasyon niya sa isang Kapamilya actor—pero ito ay ngayong break na sila.

Gayunman, pinili ng young actress na huwag pangalanan ang aktor na naging boyfriend niya.

Napaamin si Kira nang ma-interview siya sa Tonight With Boy Abunda nitong Martes ng gabi, Agosto 27.

Guest ni Boy Abunda si Kira, kasama si Mutya Orquia, na parehong kasama sa cast ng bagong ABS-CBN teleserye na Pamilya Ko.

Nauwi sa pag-amin ang pag-uusap nina Boy at Kira tungkol sa mga hugot post ng 19-anyos na aktres sa social media.

Tinanong ni Boy kung ano ang pinanggagalingan ng mga hugot ni Kira.

Sagot ng dalaga, “Naisip ko lang po, especially pag umuulan, nagiging emo lang ako.”

Sa kasagsagan ng pag-uusisa ni Boy tungkol sa mga hugot post ni Kira, bigla siyang nagtanong: “Have you had a boyfriend?”

Saglit na napatigil si Kira bago sumagot, “Yeah.”

Continue reading below ↓

Follow up na tanong ni Boy, “Artista?”

Alanganing napangiti si Kira ‘tsaka sumagot ng “no comment,” na sinundan ng tawa.

Natawa rin si Boy, at sinabing natutuwa siya sa pagiging honest ng aktres.

Tanong uli ni Boy, “Sino?”

Nagkunwaring tatayo at magwo-walkout si Kira habang natatawa sa pag-iwas na sagutin ang tanong.

Hirit pang tanong ni Boy, “Tagarito?”

“Yes,” mahinang sagot ni Kira, na dinugtungan ng tawa.

“Nasa isang teleserye?”

“Ah, noon po yun.”

“Starts with a letter R?”

Napatili si Kira, at mahina ang boses nang sumagot: “Yeah.”

Noong nakaraang taon pa nali-link si Kira sa Hashtags member na si Ryle Santiago, bagamat walang direktang pag-amin mula sa dalawa kung nagkaroon nga sila ng relasyon.

KIRA REFUSES TO LABEL RELATIONSHIP WITH RYLE

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kira, na nalathala noong February 20 ng taong ito, hindi niya direktang inamin ang relasyon sa 21-anyos na actor-dancer.

Continue reading below ↓

Sa tanong noon kung boyfriend na ba niya si Ryle, sagot ni Kira, “I don’t do labels. It complicates things."

Dagdag pa niya, “What really matters is special kami sa isa't isa.”

Nilinaw rin ni Kira sa nasabing panayam na hindi sila exclusively dating ni Ryle, at walang problema sa kanya sakaling manligaw sa iba ang binata.

Sa isa pang panayam ng PEP.ph kay Kira noong July 9, muling iginiit ni Kira na “labels don’t really matter”, at “very good friends” lang talaga sila ni Ryle.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kira Balinger admits that she had once been in a relationship with a Kapamilya actor, who she refused to name. In a previous interview with PEP.ph, the 19-year old Star Magic artist said "labels don't matter" with regard to her relationship with Hashtag member Ryle Santiago.
PHOTO/S: Kira Balinger on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results