Inigo Pascual apologizes to Maris Racal for breaking her heart

by Arniel C. Serato
Sep 2, 2019
Maris Racal on Inigo Pascual: "Mas okay yung choice niya, yung career na pinili niya. Kasi, hindi ba, dream mo yun na maging international singer, makilala as a singer sa buong mundo? And I'm very happy na pinili mo yun actually. Walang bitterness.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Humingi ng dispensa si Inigo Pascual sa kanyang loveteam partner na si Maris Racal dahil nasaktan niya ang puso nito.

Sa episode ng Magandang Buhay ng ABS-CBN ngayong Lunes, September 2, emosyunal ang singer-actor habang kaharap ang rumored ex-girlfriend.

Sabi ni Inigo, 21, "I'm just really grateful, honestly, for whatever we have and I want to say sorry.

“I mean, we went through a lot together and I could never say anything bad about Maris no matter what happened.

“I always say, handa siyang ibigay lahat, and I just couldn't do the same and that made me sad as well.

“It also made me heartbroken as well.”

Baling naman ni Maris, 21, sa dating kapareha, “Nakakatuwa po dahil nag-sorry na siya talaga.

“Nakita ko rin na hirap din siyang magbigay sa relationship.

“Mas okay yung choice niya, yung career na pinili niya.

“Kasi, hindi ba, dream mo yun na maging international singer, makilala as a singer sa buong mundo?

Continue reading below ↓

"And I'm very happy na pinili mo yun actually. Walang bitterness.”

Sa nasabing panayam, parehong nagpipigil sa pag-iyak ang dalawa.

INIGO PASCUAL: “WE TALKED ABOUT IT MATURELY.”

Kahit hindi naging opisyal ang relasyon nila, nasasaktan naman ang mga tagahanga ng MarNigo—ang bansag sa love team nina Maris at Inigo—dahil sa napabalitang breakup nila nitong nakaraang Hunyo.

Sa panayam ni Maris sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) noong nakaraang Hunyo rin, natanong siya kung nasaktan ba ni Inigo ang puso niya.

Diretsong tugon ng dalaga, “Yes.”

Dagdag pa niya, “Guys, okay na ako.

"Wala na yun, past na yun.”

Sa interview naman ni Inigo sa Magandang Buhay, nagbigay siya ng kanyang panig sa sinabi ni Maris.

Pahayag ng Kapamilya singer-actor, “But before she was on TWBA, she was actually messaging me, saying, 'Good luck and congratulations,' because that was two days after I left for the States.

Continue reading below ↓

“At that time, medyo magulo pa nga ang mga bagay-bagay between the two of us, but we were able to talk about it.

“I'm glad that things are the way they are right now.”

Paglilinaw naman ni Maris, “At yung question ni Tito Boy na, 'Did Inigo break your heart?,' I wanted to answer, 'No.'

"Kasi siyempre, we moved on na, and then ayaw ko namang maging bad yung name ni Inigo or masiraan siya nationwide.

"Kasi gusto kong i-answer na, 'Yes, pero okay na,' ganun po, kasi ayaw kong magsinungaling po.”

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Inigo at Maris nitong nakaraang linggo, sinabi nilang nananatili silang magkaibigan at ang priority nila ngayon ay ang kanilang mga karera.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal on Inigo Pascual: "Mas okay yung choice niya, yung career na pinili niya. Kasi, hindi ba, dream mo yun na maging international singer, makilala as a singer sa buong mundo? And I'm very happy na pinili mo yun actually. Walang bitterness.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results