KC Concepcion reacts to "mukhang clown" comment, plastic-surgery accusation

by Bernie V. Franco
Sep 2, 2019
KC Concepcion calmly answers netizens and bashers who continue to criticize her looks.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram

"Mukhang clown" at "nagpa-plastic surgery."

Ilan lamang ito sa mga komento ng bashers na sinagot ng aktres na si KC Concepcion sa kanyang bagong Instagram post.

Nitong weekend, nag-post ang actress-entrepreneur ng kanyang larawan na naka-make-up.

May dalawang nagkomento ang sinagot ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Sabi ng isang netizen, mas maganda si KC dati: “Simple beauty but very charming.”

Ayon naman kay KC, kailangan ng pagbabago paminsan-minsan.

Continue reading below ↓

Mas matindi naman ang sumunod na komento tungkol kay KC.

Sinabi ng basher na mukha nang "clown" si KC sa kapal ng kanyang make-up.

Idinaan na lamang sa biro ni KC ang sagot sa basher.

Noong nakaraang linggo, nag-post si KC ng larawan niya nang magpunta sa New York.

Nakasuot ng orange dress si KC at kita ang hita dahil sa mahabang slit.

Continue reading below ↓

May netizen na nagkomento ng “Crispy pata,” at sinagot lamang ito ni KC ng "LOL."

Burado na ang nasabing comment.

Dalawang linggo na ang nakalilipas, may isang netizen ang nagtanong kay KC kung nagparetoke ito.

Tanong ng netizen: “did you do something to your face? surgery?? Chin and cheek reconstruction? Halata eh.. ang ganda mo na sana noon ..”

Continue reading below ↓

Tahasan naman itong itinanggi ng aktres.

Sagot ni KC, “Oh wow! no but I’ll take that as a compliment THANK YOU

Hindi na bago kay KC ang pang-aalipusta ng bashers sa kanyang hitsura at pigura.

Noong unang linggo ng August 2019, sinagot ni KC ang netizen na nagtanong kung siya ba ay buntis.

Continue reading below ↓

Nakiusap naman si KC na itigil na ang akusasyong nabuntis siya dahil, aniya, hindi pa siya kailanman nabuntis.

Nagkomento rin si KC sa netizen na nagsabing ang Pilipinas ay isang lugar na pagbibintangang buntis ang babae kapag tumaba ito.

Sabi ni KC na nagpapapayat na siya at ine-enjoy niya ang kanyang buhay.

Read Next
Read More Stories About
KC Concepcion
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion calmly answers netizens and bashers who continue to criticize her looks.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results