Megastar Sharon Cuneta mulls semi-retirement from showbiz

by Arniel C. Serato
Sep 2, 2019
Sharon Cuneta: "Di naman siguro ako biglang forever na mawawala...pero konting-konti na lang siguro ang kakayanin kong ibigay until magpahinga na ako at i-enjoy naman ang tinatawag na private life na alam ng karamihan pero tungkol saan kokonti lang ang alam ko..."
PHOTO/S: Noel Orsal

Pinag-iisipan na raw ngayon ng Megastar na si Sharon Cuneta ang magpahinga muna sa showbiz.

Forty-one years na raw siyang nagtatrabaho sa mundo ng showbiz at gusto naman daw niyang maranasan ang magkaroon ng pribadong buhay.

Sa kanyang Instagram post ngayong madaling-araw ng Martes, September 3, ibinahagi ni Sharon ang mga plano niya.

Kalakip nito ang larawan nila ng anak na si Frankie “Kakie” Pangilinan, ang panganay nila ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na nagpunta ng New York upang doon na mag-aral.

Sinamahan ni Sharon si Frankie sa New York ng ilang linggo upang tulungan itong makapag-settle doon.

Sinamantala rin ng mag-ina ang pagkakataon upang makapag-bonding nang husto.

Hanggang sa kinailangan nang bumalik ng Pilipinas ni Sharon at tuluyang iwan si Frankie sa New York.

Sa unang bahagi ng Instagram post ni Sharon ay inilahad niya ang pagpapaalam nila ni Frankie sa isa't isa sa New York.

Continue reading below ↓

"I couldn’t talk about how it was when Kakie and I said our goodbyes.

"This is all I can share with you. Taken a few minutes before I left for the airport.

"I had asked her to not take me downstairs and see me leave the hotel, so the goodbyes were in the room, where I was trying so very hard to hold back my tears.

"I left her by our room’s door, then she closed it and stayed inside.

"I walked to the elevator and let go of my tears.

"Then while I was waiting for the lift to come up to our floor, she ran from the room to me and we hugged each other one last time, our tears freely flowing now, then I told her to run back to the room before I entered the elevator.

"It was a painful goodbye. But my girl is strong.

Continue reading below ↓

"She is my and her Daddy’s daughter, so I know she will be fine.

"I miss her so much.

"But this is for her own good and I have put my selfishness aside to let her spread her wings and fly."

WHY SHARON IS MULLING SEMI-RETIREMENT

Pagkatapos nito ay ibinahagi ni Sharon ang kanyang planong pagreretiro mula sa showbiz.

Pagod na pagod na raw kasi siya.

Lahad ng 53-year-old Megastar: "On another note, and this is important- Since last year l have seriously been thinking of semi-retiring. I am so very tired.

"It has been 41 years of work, work, work for me, and at some point, kailangan na rin sabihin sa sarili na 'tama na.'

"When will it ever be enough? Sometimes you just have to put your foot down and say it’s okay, and it’ll all be okay.

"Maybe I’ll do a concert here and there every once in a while, or a movie that I feel will really be worth the few months it’ll take me away from my home and family.

Continue reading below ↓

"Sinasabi ko na sa inyo ito, mga mahal kong Sharonians.

"Mahal na mahal ko kayo...pero pagod na rin si Mama..."

Sabi pa ni Sharon, walang kinalaman ang larawan nila ni Frankie sa desisyon niyang magpahinga muna sa showbiz.

"Di naman siguro ako biglang forever na mawawala...pero konting-konti na lang siguro ang kakayanin kong ibigay until magpahinga na ako at i-enjoy naman ang tinatawag na private life na alam ng karamihan pero tungkol saan kokonti lang ang alam ko...

"I know you will all understand.

"I love you all and this has nothing to do with Kakie leaving.

"Like I said, last year ko pa naiisip at nararamdaman ito, at kinausap ko na rin ang pamilya at manager at team ko noon pa tungkol dito.

"I love you all so much, and I will try my very best to give you the best of me before I say goodbye.

Continue reading below ↓

"God bless us all. Goodnight everyone."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: "Di naman siguro ako biglang forever na mawawala...pero konting-konti na lang siguro ang kakayanin kong ibigay until magpahinga na ako at i-enjoy naman ang tinatawag na private life na alam ng karamihan pero tungkol saan kokonti lang ang alam ko..."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results