Carlo Aquino posts photo of rumored non-showbiz girlfriend for the first time 

by Rachelle Siazon
Sep 3, 2019
On his 34th birthday, Carlo Aquino shows his affection for rumored girlfriend Trina Candaza.
PHOTO/S: @jose_liwanag Instagram

Tila regalo ni Carlo Aquino sa sarili ang magpahiwatig ng kanyang nararamdaman para sa rumored non-showbiz girlfriend niyang si Trina Candaza.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinahagi ni Carlo ang litrato kunsaan mahigpit siyang nakayakap kay Trina habang kaswal na nakadapa sa isang mistulang kama.

Matamis ang pagkakangiti ni Carlo na nagdiriwang ngayong araw, September 3, ng kanyang ika-34 kaarawan.

"Thank you sa gift! @trinacandaza," caption ng aktor sa kanilang litrato.

Humigit-kumulang walong buwan na ang nakalipas mula nang unang maiulat ang kontrobersiyal na pagbabakasyon ni Carlo kasama si Trina sa La Union noong Enero 2019.

Noong panahong iyon ay nauugnay si Carlo sa ex-girlfriend at movie leading lady niyang si Angelica Panganiban, pero nauwi sa wala ang hinihinalang pagkakamabutihan nila.

Samantala, may ilang pagkakataon pang namataan si Carlo na lumalabas kasama si Trina.

Hanggang sa noong July 30, inamin ni Carlo na "happy" siya sa piling ni Trina.

Hindi man diretsahang kinumpirma ni Carlo kung girlfriend na ba niya si Trina, inamin ng aktor na "hindi naman" siya naiilang na makitang nagdi-date sila.

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Carlo, pinipili niyang maging "masaya" kaysa magpaapekto sa kung anumang pambabatikos ang ibato sa kanila ni Trina.

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
Carlo Aquino, Trina Candaza
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On his 34th birthday, Carlo Aquino shows his affection for rumored girlfriend Trina Candaza.
PHOTO/S: @jose_liwanag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results