Carlo Aquino's rumored girlfriend posts photo with actor on his birthday

by Bernie V. Franco
Sep 3, 2019
It seems like Carlo Aquino and rumored girlfriend Trina Candaza are slowly making their rumored relationship known to the public. In their separate Instagram Stories, the couple posted pictures showing them together.
PHOTO/S: @trinacandaza on Instagram

Unti-unti nang inihahayag sa publiko ng aktor na si Carlo Aquino at modelong si Trina Candaza ang espesyal na namamagitan sa kanila.

Ito ay matapos mag-post nina Carlo at Trina ng mga larawan nilang magkasama sa kani-kanilang social media accounts, partikular na si Trina na pribado pagdating sa kanyang buhay.

Itinaon nila ang pagpu-post ng kanilang mga larawan magkasama sa espesyal na araw ni Carlo, na nagdiriwang ng kanyang 34th birthday ngayong September 3, Martes.

Ngayong umaga, ipinost ni Carlo sa Instagram Story ang larawan nila ni Trina.

Mahigpit na nakayakap ang aktor sa dalaga na halos natatakpan pa ng buhok ang buong mukha.

Walang duda namang si Trina ang babae dahil naka-tag siya sa caption ni Carlo.

"Thank you sa gift! @trinacandaza," caption ng aktor.

Hindi naman nagpahuli si Trina.

Ngayong hapon, nag-post siya sa kanyang Instagram Story ng larawan nila ni Carlo.

Nakayakap ang dalaga sa binata na may hawak na cake.

Continue reading below ↓

Simpleng caption ni Trina, “Happy birthday @jose_liwanag”

Ito rin ang unang pagkakataong nag-post si Trina ng larawan nila ni Carlo.

THE CARLO-TRINA ROMANCE

Noong July 30, 2019, inamin ni Carlo na “happy” sila ni Trina matapos silang beses na namataang nagdi-date.

Hindi naman direktang tinukoy ni Carlo na magkarelasyon na sila ni Trina.

Continue reading below ↓

Kinabukasan, July 31, naiulat pa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga workout photos nina Carlo at Trina na ibinahagi ng kanilang gym instructor sa social media.

Pero kapansin-pansing hindi ibinahagi ng dalawa ang mga larawan nilang magkasama sa kani-kanilang social media accounts, sa halip ay photos nilang hindi kasama ang isa't isa.

January ng kasalukuyang taon nang ma-post sa social media ang stolen shots nina Carlo at Trina na noon ay nagbabakasyon sa La Union.

Noong mga panahong iyon ay may mga post din si Angelica Panganiban, dating girlfriend ni Carlo, na didistansiya na siya sa aktor at in-unfollow pa sa social media.

Ikinadismaya naman ito ng fans nina Angelica at Carlo na umasa na posibleng magkabalikan ang dalawa, na bukod sa nagdiwang ng Pasko nang magkasama noong December 2018 ay nag-reunite sa pelikulang Exes Baggage noong September 2019.

Read Next
Read More Stories About
Carlo Aquino, Trina Candaza
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It seems like Carlo Aquino and rumored girlfriend Trina Candaza are slowly making their rumored relationship known to the public. In their separate Instagram Stories, the couple posted pictures showing them together.
PHOTO/S: @trinacandaza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results