Rayver Cruz says late mother visits him in his dreams

by Rommel Gonzales
Sep 4, 2019
Rayver Cruz reveals his most memorable dream about his late mother, Beth Cruz: “'Tapos ang naaalala ko, ako yung umiiyak dun sa panaginip. 'Tapos ako yung yakap nang yakap, 'tapos parang sinasabi ko, ‘Miss na kita, Mama!’"
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa panaginip lamang nagpaparamdam kay Rayver Cruz ang ina niyang si Melody “Beth” Cruz, na namayapa February 2 of this year dahil sa cancer.

“May times na every night, parang sunud-sunod, and ang sarap ng feeling na nakakalungkot paggising mo kasi parang totoo siya,” kuwento ni Rayver nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA compound noong August 22, Huwebes.

“Na parang pag gusto mo siyang kausapin, 'tapos maaakap mo na, 'tapos pag gusto mo matagal pa yung pagsasama niyo, pero magigising ka na.

“'Tapos, mare-realize mo na panaginip lang pala.”

Ibinahagi pa ni Rayver ang isang partikular na panaginip niya tungkol kanyang yumaong ina.

“Meron akong parang nasa party, round table, magkakausap kaming lahat, pagtingin ko sa left side ko, nandun siya.

“'Tapos walang bahid nung hitsura niya nung naospital siya.

“Walang bahid ng sakit, happy siya 'tapos maliwanag yung aura.

Continue reading below ↓

“'Tapos ang naaalala ko, ako yung umiiyak dun sa panaginip.

"'Tapos ako yung yakap nang yakap, 'tapos parang sinasabi ko, ‘Miss na kita, Mama!’

“Ganyan-ganyan, 'tapos siya yung parang, ‘O, bakit?’

“Parang sa kanya, hindi niya alam na… wala, walang bahid nung nangyari.

“Na parang, ‘Bakit?’ Nagtataka siya.

"'Tapos, nagising na ako. Iyon yung parang pinaka tumatak sa akin.

“'Tapos, paggising ko umiiyak din ako.”

Incidentally, tungkol sa multo ang series ni Rayver na umeere ngayon sa GMA, ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

MALE LEAD IN KAPUSO TELESERYES

Ipinagpapasalamat ni Rayver ang blessings na dumarating sa kanya bilang Kapuso.

Paglipat ni Rayver sa GMA-7 last year ay solong male lead siya sa Asawa Ko, Karibal Ko, kung saan pinag-agawan nina Kris Bernal at Thea Tolentino).

Sa follow-up project niyang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko this year, solo rin siyang bidang lalaki na pinag-aagawan nina Kris Bernal (again) at Megan Young.

Continue reading below ↓

“Sobrang blessed ako dahil yung trust na ibinibigay sa akin ng GMA Network, para bigyan ng ganitong roles, ng ganitong projects, is hindi ko tine-take for granted.

“Every day nagdadasal ako kay Lord, nagpapasalamat ako sa lahat ng blessings.

"And now, it’s my job to... na ipakita sa mga tao, sa mga boss ko na tama naman yung decision, di ba? So iyon.

"Or, di ba, ang saya nga, nagkakataon na parang solo [na male lead] lagi.

Titingin ka dito, daming girls, titingin ka dun, daming girls… uy, mumu!” pagbibiro pa ng binata.

Multo kasi ang role ni Kris sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

May kasama pa siyang Megan na Miss World 2013 na first time nakatrabaho ni Rayver.

Saad ni Rayver, “Kasi Miss World naman o hindi, Megan is Megan, e.

"Very ano naman siya, very transparent, makikita mo naman siya, simula nung nag-umpisa siya hanggang ngayong Miss World siya, ganun pa rin siya.

Continue reading below ↓

“Nakakatuwa lang kasi may something kami in common. So, pag nasa taping kami, parehas kasi kaming gamers, e.

“So she streams kasi ng games niya, so pag may mga gusto akong mga bagong games, ‘Ano ba ang okay ngayon, Megan?’

“'Tapos kuwentuhan kami, dun kami medyo lalo pang nagiging kumportable sa bawat isa.

“Ang cool ni Megan.”

May seksi pang Kim Domingo sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

“Si Kim, nung una kasi kay Kim, siyempre si Kim kasi tahimik lang e, tahimik.

"Pero nung mga tumatagal na yung taping, mas nagiging close na kami, mas kumukulit na siya,” kuwento pa ni Rayver.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz reveals his most memorable dream about his late mother, Beth Cruz: “'Tapos ang naaalala ko, ako yung umiiyak dun sa panaginip. 'Tapos ako yung yakap nang yakap, 'tapos parang sinasabi ko, ‘Miss na kita, Mama!’"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results