Bing Loyzaga on nephew Diego Loyzaga: "Happy na siya ulit."

by Ruel J. Mendoza
Sep 4, 2019
Bing Loyzaga on nephew Diego Loyzaga: "If there’s one thing na naging maganda sa nangyaring ito kay Diego, that is yung naging mas klaro na ang isipan niya and he was able to spend lots of time with his family na suportado siya."
PHOTO/S: Noel Orsal

Maayos na ang kalagayan ni Diego Loyzaga, ayon sa tiya niyang si Bing Loyzaga.

“Si Diego, sa huling pagkakaalam ko, is doing well... Happy na siya ulit,” sambit ni Bing nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Kapuso primetime series na Beautiful Justice nitong Agosto 27, Martes, sa La Reve, Quezon City.

“Naiintindihan ko naman yung pinagdaanan ng pamangkin ko.

"Hindi madali for somebody like him to be burdened with so much pressure."

Magbabalik-showbiz na ba ang kanyang pamangkin?

“As for your question kung handa na ba siyang bumalik ulit sa showbiz, I am not sure.

"Siguro, si Ate na ang makakasagot niyan," pagtukoy ni Bing sa ina ni Diego at kapatid niyang si Teresa Loyzaga.

“Sila naman ang parating magkasama at nakikibalita lang ako.

“If there’s one thing na naging maganda sa nangyaring ito kay Diego, that is yung naging mas klaro na ang isipan niya and he was able to spend lots of time with his family na suportado siya.

Continue reading below ↓

“Ako naman, I only wish him the best in everything.

"Kung ready na ba siya to face all these again, then we are all behind him."

BING AS SYNDICATE LEADER

Gaganap si Bing bilang leader ng sindikato na si Charmaine Tan, alyas Ninang, sa teleseryeng Beautiful Justice.

Saad niya, “I played various kontrabida roles in the past, pero it's the first time na ganitong type of villainess ang gagawin ko.

“Sa panlabas, glamorosa siya, mukha siyang mabait, nagkakawanggawa, pero deep inside, masama siya, manipulative at gagawin ang lahat to gain power.

“Tago ang pagiging evil niya.

"Kaya natuwa ako sa ibinigay nilang role sa akin. It’s something na puwede kong palakihin pa as the story goes."

Bago ang Beautiful Justice, huling napanood si Bing sa Kapuso teleserye na Kapag Nahati Ang Puso kunsaan kontrabida rin siya.

Hiniling ba niyang bigyan siya ng mabait na role para maiba lang?

Continue reading below ↓

“Parang hindi sila papayag!” natatawang sagot ng aktres.

“Sinubukan ko rin ang maging mabait noon sa ibang nagawa kong teleserye, pero walang masyadong challenge, e.

“Kaya okey ako kapag bruha ang roles ko, kasi mas napaglalaruan ko yung character at hindi limitado.

"Wala akong limit when it comes to being a kontrabida. Mas bruha, mas okey!”

WORKING WITH HER COUSIN GIL


Masaya rin si Bing dahil kasama niya sa Beautiful Justice si Gil Cuerva, na pinsan niya sa tunay na buhay.

Ginagampanan ni Gil ang role ng isang PDEA agent na gustong mahuli ang mastermind ng sindikato.

“We're cousins, kasi his father and my mother are magkapatid.

"Pero dahil sa laki ng agwat ng edad namin, he calls me Tita Bing.

“Hindi ko pa alam kung magkakaroon kami ng scenes together. Pero for sure, meron 'yan. Kasi, ako yung gusto nilang mahuli.

Continue reading below ↓

“'Tsaka para makita ko naman kung paano siya umarte.

"I heard kasi so many good reviews sa acting niya sa pagganap niya sa My Love From The Star.

“Kaya kailangan niyang ma-impress ang kanyang Tita Bing!”

Nakasama naman si Bing na mag-training kasama ang cast ng Beautiful Justice na kinabibilangan nina Yasmien Kurdi, Bea Binene at Gabbi Garcia.

“Doon lang ako naloka, kasi may kung anong training talaga.

"Akala ko, pang-military ang training, kasi di ko kakayanin.

“Pero it turns out na ang training ay yung paano hawakan nang tama ang firearm at konting takbo-takbo lang. Medyo napa-exercise ako nang biglaan.

”But the training is for our safety na rin. Marami rin akong natutunan para mai-apply ko sa role ko,” sabi ni Bing.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bing Loyzaga on nephew Diego Loyzaga: "If there’s one thing na naging maganda sa nangyaring ito kay Diego, that is yung naging mas klaro na ang isipan niya and he was able to spend lots of time with his family na suportado siya."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results