Rosanna Roces dismisses fuss over transgender-CR issue

by Julie E. Bonifacio
Sep 4, 2019
Rosanna Roces on the transgender-comfort room issue: "Masyado lang pinalaki. Blown out of proportion na puwedeng pag-usapan na lang."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ayaw makisawsaw ni Rosanna Roces sa usapin ng SOGIE Bill na isinusulong ng LGBTQ+ community sa Senado.

“Alam mo, ayokong sagutin ang mga tanong na di naman ako pamilyar, ‘di ba?” katuwiran ni Rosanna sa media launch ng Kapamilya teleseryeng Pamilya Ko, noong Agosto 30, Biyernes, sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City.

Pero nanindigan si Osang sa isyu ng paggamit ng transgender na si Gretchen Diez sa CR na pambabae.

“Masyado lang pinalaki. Blown out of proportion na puwedeng pag-usapan na lang,” matatas na sambit ng aktres.

“Ang sa akin, simple lang. Kung ano ang kargada mo, doon ka.

“Kahit ang mga tomboy, hindi naman pumupunta sa CR ng lalaki.

"Pero bilang mga babae, kailangan din naming protektahan yung hygiene din naman namin, di ba?

“Ako nga, LGBT yung asawa ko, pero alam ko kung saan kami lulugar."

Patuloy ng aktres, "Ganoon dapat, alam mo kung saan ka lulugar.

Continue reading below ↓

“Hindi yung nota ang dala-dala mo, pupunta ka sa... may hygiene din kaming iniingatang mga babae.

“So, kung may right ang LGBTQ, may karapatan din ang ibang tao.

"Huwag din naman nating sagasaan yun."

MARRIED TO A LESBIAN

Tatlong taon nang karelasyon ni Rosanna ang lesbian na si Blessy Arias, na siya ring tumatayong manager nito.

Kinse anyos si Rosanna nang una niyang nakarelasyon si Blessy.

Nagkahiwalay sila noong ipagbuntis ng aktres ang panganay niyang si Grace.

Matapos ng 27 taon, nagkita sila ulit at nagdesisyong magsama.

Noong 2016 ay dalawang beses ikinasal sina Rosanna at Blessy .

Continue reading below ↓

“Ikinasal kami pero ritwal lang ‘yun. Dito lang din yun.

"Pero ino-honor siya sa mga bansa kung saan pasado ang same-sex marriage.

“Kunyari nag-abroad si Blessie, Canada, kinuha niya ako, iho-honor yun. May papel yun,” paglilinaw ni Rosanna.

“Actually, tatlo silang pari na nagkasal sa amin.

"Yung sa pagsasabatas, hindi ko kasi alam kung ano yung laman ng SOGIE bill na yun, kung ano yung gusto nilang iparating.

“Ako, mas una sa akin yung karapatan. Bilang tao, di ba?

“Kasi ako mismo, sa sarili ko, puwede ako sa tomboy, puwede rin ako sa straight.

"Puwede rin sa... alam mo na.”

Ano ang tawag sa kanya?

Ahh, kung may 110-220 [volts]... ako ‘yung 350. Hahaha!” halakhak ni Rosanna.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rosanna Roces on the transgender-comfort room issue: "Masyado lang pinalaki. Blown out of proportion na puwedeng pag-usapan na lang."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results