Alden Richards shuts down false reports linking him to Kathryn Bernardo

by Rachelle Siazon
Sep 4, 2019
Alden Richards on couple Kathryn Bernardo and Daniel Padilla: "Kung nabibigyan ng malisya yung ganoong anggulo, working at yung pagiging magkaibigan namin ni Kath, sana naman huwag. Kasi I respect both of them."
PHOTO/S: Noel Orsal / @bernardokath Instagram

Nakiusap si Alden Richards na huwag bigyan ng malisya ang pagiging magkaibigan nila ni Kathryn Bernardo.

Isang entertainment reporter ang nagtanong kay Alden na may lumabas na balitang "tawag nang tawag" diumano si Kathryn sa Kapuso actor at leading man sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Agad itong pinabulaanan ni Alden.

"A, 'yan po ang hindi po totoo," saad ni Alden.

Hindi malinaw kung saang pahayagan lumabas ang impormasyong iyon.

Pero ayon kay Alden, ang pagkakaalam niya ay binibigyang-kulay ang pagkakapareho ng suot nilang damit ni Kathryn sa isang event.

"Parang nabasa ko po 'yang nabigyan ng malice yung pagkaterno po namin ng damit.

"Actually, it's all by chance. Nagkakataon lang po talaga.

"Sana po huwag nila bigyan ng malisya yun."

Napakunot-noo pa si Alden habang seryosong sinasabi na malaki ang respeto niya kay Kathryn at sa kasintahan nitong si Daniel Padilla.

"I respect Kathryn and Daniel, and kung anumang meron silang dalawa.

Continue reading below ↓

"Kung nabibigyan ng malisya yung ganoong anggulo, working at yung pagiging magkaibigan namin ni Kath, sana naman huwag.

"Kasi I respect both of them."

Nakapanayam si Alden ng piling entertainment reporters sa presscon pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata sa GMA-7, kahapon, September 4.

Bahagi rin ito ng pagdiriwang ng Kapuso network sa tinamong Asian Star Prize ni Alden sa 2019 Seoul Drama Awards.

WHEN ALDEN MET DANIEL

Sa isang presscon noong July 10, naikuwento ni Alden na personal niyang nakilala si Daniel nang minsang bumisita ang huli sa set ng Hello, Love, Goodbye, na ang location shoot noon ay sa Manila.

Naging maganda raw ang pag-uusap nila noon ng Kapamilya actor.

Sabi ng Kapuso actor, "Mabait po si Daniel, and talagang nag-congratulate siya.

"Kinongratulate niya yung pelikula and nagpasalamat siya na inalagaan ko si Kathryn."

Dagdag pa noon ni Alden, naniniwala siya sa tambalan nila ni Kathryn na alam ng mga tagasuporta nilang magkatrabaho lang talaga sila at hindi kailangan ng off-cam kilig para maging epektibo sa pelikula.

Continue reading below ↓

"So, parang ang gaan lang po nung pelikula kasi wala po kaming nasagasaan na kahit sinong tao.

"And masaya po kaming nagawa namin yung pelikula at natapos namin yung pelikula na peaceful."

KATHRYN THANKS DANIEL

Sa parte ni Kathryn, madamdamin niyang pinasalamatan ang nobyong si Daniel na buong-puso raw nakasuporta sa kanya habang ginagawa ng aktres ang pelikula katambal si Alden.

Hindi raw niya magagampanang mabuti ang kanyang trabaho kung hindi dahil sa inspirasyon at pag-alalay sa kanya ni Daniel.

Bahagi ng open love letter ni Kathryn sa nobyo: "You never gave up, you never gave me a reason to doubt myself or us.

"I hope I made you proud, my love. I couldn’t have done this without you by my side.

"Your success is mine; my success is yours."

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on couple Kathryn Bernardo and Daniel Padilla: "Kung nabibigyan ng malisya yung ganoong anggulo, working at yung pagiging magkaibigan namin ni Kath, sana naman huwag. Kasi I respect both of them."
PHOTO/S: Noel Orsal / @bernardokath Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results