Alden Richards just friends with Winwyn Marquez; is he interested in Catriona Gray? 

by Rachelle Siazon
Sep 3, 2019
Alden Richards (center) reacts to feedback that he often likes the Instagram posts of Miss Universe beauty queen Catriona Gray (right). On the other hand, the Kapuso actor denies rumors linking him to Winwyn Marquez (left).
PHOTO/S: @teresitassen / Noel Orsal / @catriona_gray Instagram

Nasorpresa raw si Alden Richards nang makarating sa kanya ang balitang nauugnay siya sa kapwa-Kapuso star na si Winwyn Marquez.

Ito ay matapos makaagaw ng pansin ang umano'y pagiging malapit ng dalawa sa opening ng fast food restaurant ni Alden sa Biñan, Laguna, noong Abril 2019.

Pero paglilinaw ni Alden, mabuting magkaibigan lang sila ng Reina Hispanoamericana 2017.

"Magkaibigan lang po talaga kami ni Winwyn.

"Meron kasi kaming mountaineering group that's why in-invite ko siya dun.

"Isa siya sa mga available that time. But we're really good friends.

"Ngayon, we rarely see each other already. Yun lang po."

Kabilang sa sinasabi niyang mountaineering group ang mga malapit din niyang kaibigang sina Bea Binene, Rodjun Cruz, at Kristoffer Martin.

Nakapanayam si Alden ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng mediacon para sa pag-renew niya ng contract sa GMA-7.

Nagsilbi rin itong selebrasyon para sa pagkapanalo ni Alden ng Asian Star Prize sa 2019 Seoul International Drama Awards sa South Korea.

Continue reading below ↓

Ginanap ang solo mediacon para kay Alden sa 17th floor ng GMA Network Center, ngayong Martes, September 3.

INSTAGRAM LIKER OF CATRIONA?

Dito ay natanong din si Alden tungkol sa isa pang beauty queen—si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

May mga nakakapansin umanong isa si Alden sa followers ni Catriona na madalas nagla-like sa Instagram posts ng reigning Miss Universe.

"Ang gandang Miss Universe natin naman," nakangiting komento ni Alden.

So, type ba niya si Catriona?

Sagot ng Kapuso actor, "What's not to like? And siyempre, Miss Universe yun.

"And I've heard na she's a very good person. I'm looking forward to meet her."

Hindi pa raw sila personal na nagkakakilala ni Catriona, na nakabase ngayon sa New York kunsaan naroon ang headquarters ng Miss Universe Organization.

Pero kung sakali ay nais daw ni Alden na ma-meet ang dalaga.

MYSTERY GIRL

Mailap si Alden pagdating sa usaping pag-ibig, pero inamin nitong may babae siyang gustong pormahan.

Continue reading below ↓

Ang clue lang ni Alden ay "Pinay" at taga-dito sa bansa.

Nang may reporter na nag-comment na posible kayang si Catriona na nasa New York ngayon, humirit si Alden ng "Pero taga-dito rin yun!"

Pilit na hiningan si Alden ng iba pang clues—kung taga-showbiz o non-showbiz.

Pero sabi lang ng binata, "Ay, teka lang po... Basta taga-dito po!"

Tila ayaw ni Alden na mapangunahan kaya hindi rin niya sinagot kung taga-GMA-7 din ang "ina-eye" niyang potential girlfriend.

Natatawang iwas pa rin niya, "Basta po! Ay, patay tayo!"

Panay lang din ang tawa ni Alden nang biruin na maraming babaeng naghahabol sa kanya ngayon.

Bukod sa box-office hit na pelikula nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye, nasundan pa ito ng pagkilala sa kanya sa Seoul International Drama Awards.

Kung magiging abala siya sa bago niyang Kapuso series na The Gift, paano na ang kanyang love life?

Nakangiting sabi lang ni Alden, "Ay, siguro po magkakapanahon na po tayo."

Continue reading below ↓

Kung saka-sakali, mas gusto ba niya yung makilala niya ito sa blind date, iyong irereto sa kanya, o yung makilala niya lang nang kusa?

"Mas masarap yung seamless, e. Yung talagang hindi mo in-expect na meron pala," saad ni Alden.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards (center) reacts to feedback that he often likes the Instagram posts of Miss Universe beauty queen Catriona Gray (right). On the other hand, the Kapuso actor denies rumors linking him to Winwyn Marquez (left).
PHOTO/S: @teresitassen / Noel Orsal / @catriona_gray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results