PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Christian Bautista to start baby plans with wife Kat Ramnani in 2020

Christian Bautista details baby plans with wife Kat Ramnani.
by Arniel C. Serato
Published Sep 6, 2019
Christian Bautista says wife Kat Ramnani gives full support to his career: "Yung wife ko pa nga ang nag-i-encourage sa akin ha na, 'Dapat galingan mo sa pag-perform, dapat landian mo pa.' Kasi sinusuportahan niya yung career ko."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @katramnani on Instagram

Halos sampung buwan nang kasal si Christian Bautista, 37, kay Kat Ramnani, 35, kaya naman madalas natatanong sa singer-actor kung kailan nila balak magkaanak.

Saad ng Asia’s Romantic Balladeer, “Nakaplano. Next year kami mag-i-start planning ng baby.

“We wanted to get to know each other more as a married couple before focusing on a baby.

“And, yeah, we agreed to it and parang ini-enjoy muna namin ang sarili namin.”

Ikinasal sina Christian at Kat noong November 17, 2018 sa Bali, Indonesia.

Pinag-usapan ba nilang mag-asawa na i-delay nang kaunti ang pagkakaroon ng baby?

Sagot ng Kapuso singer, “Yeah, kasi iba-ibang views 'yan.

“Yung iba, gusto baby agad para to start a family.

“Yung iba kasi parang first time niyo to live in one house.

“Iba yung mga habits niyo sa bahay, iba yung mga habits niyo sa work apart, 'tsaka together.

“May mga nag-advice sa amin na, ‘Kilalanin niyo muna ang isa’t isa as a married couple from one to two years,’ so yun yung ginawa namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto raw ni Christian na lalaki ang maging unang anak nila, pero si Kat naman ay gusto ng babae.

Dagdag niya, “Pero whatever God gives, okay lang.”

Anu-ano ang mga bagong natuklasan nilang ugali ng isa’t isa ngayong nagsasama na sila sa iisang bubong?

Nagkaroon na ba sila ng little arguments o pagtatalo?

Tugon ni Christian, “Of course, merong mga argument, ganyan, pero it’s always... ang lesson sa amin ay lagi kaming team, it’s always a team.

“Kung meron kaming argument is paano namin ma-resolve yung argument and move forward as a team.

“Hindi puwedeng ako panalo, ikaw panalo. Dapat pareho tayo, may compromise.”

Eksklusibong nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian noong Martes, September 3, sa Studio 3 ng GMA Network, para sa pocket presscon ng judges ng The Clash Season 2.

Bukod kay Christian, balik din as hurados sina Ai-Ai delas Alas at Lani Misalucha.

Magbabalik sa ere ang The Clash simula sa September 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VERY SUPORTIVE WIFE

Tuloy pa rin si Christian sa kanyang pagiging performer dito sa Pilipinas at sa abroad.

Masaya raw siya dahil hindi selosa ang asawa sa kanyang fans.

Nakangiting kuwento ng Studio 7 host, “Yung wife ko pa nga ang nag-i-encourage sa akin, ha, na, 'Dapat galingan mo sa pag-perform, dapat landian mo pa.'

“Kasi sinusuportahan niya yung career ko.

“At alam din niya, yung fans ko way back were there na from the beginning.

"So, meron pa rin akong mga fan meet-ups, meron pa rin akong group with the fans, ganyan.

“And talagang na-appreciate ko yung wife ko kasi sinusuportahan niya yung fact na I have to still perform well for my audience.

“Naintindihan naman niya na ganun talaga ang trabaho ko—magpa-picture sa fans,” may halong birong sabi ni Christian.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Bautista says wife Kat Ramnani gives full support to his career: "Yung wife ko pa nga ang nag-i-encourage sa akin ha na, 'Dapat galingan mo sa pag-perform, dapat landian mo pa.' Kasi sinusuportahan niya yung career ko."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @katramnani on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results