PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia to go solo at ABS-CBN Ball 2019

Joshua Garcia, Janella Salvador prefer going solo at ABS-CBN Ball 2019
by Jet Hitosis
Published Sep 14, 2019
Joshua Garcia confirms his attendance to ABS-CBN Ball 2019, to be held at Shangri-La at The Fort in Taguig City, but he says he prefers to go solo.
PHOTO/S: Noel Orsal

Kumpirmadong dadalo sa ABS-CBN Ball 2019 sina Joshua Garcia at Janella Salvador—pero pareho silang magsosolo.

Ito ang inihayag ng magkatambal sa teleseryeng The Killer Bride nang ma-interview ng ABS-CBN reporters nitong nakaraang Huwebes, September 12, sa thanksgiving mass para sa tagumpay ng kanilang serye.

Kapwa nagpahayag ng excitement sina Joshua at Janella, parehong 21 anyos, sa taunang event na gaganapin ngayong Sabado ng gabi, September 14, sa Shangri-La The Fort, Bonifacio Global City, Taguig.

Kapwa nilang inamin na wala silang date sa ball.

“We’re going solo. Ako solo ako, e,” sabi ni Janella, sabay baling kay Joshua.

“Baka siya, may partner siya.”

Sagot naman ni Joshua, “Ako solo, solo rin ako.”

Dahil dito, nag-suggest ang mga reporters na ayain na lang ni Joshua si Janella para maging date ng aktor.

Natigilan si Joshua bago natatawang sumagot, “Respetuhin natin yung desisyon ng lahat na magsolo.”

WILL JULIA ATTEND THE BALL?

Noong nakaraang taon, dumalo sa ABS-CBN Ball si Joshua kasama ang girlfriend niyang si Julia Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naghiwalay sila nitong nakaraang Hunyo.

Hanggang sa malathala ang report na ito, walang kumpirmasyon kung dadalo si Julia sa ball ngayong gabi.

Gayunpaman, ilang oras bago ang ball ay kabilang sa trending sa Twitter ang #BinibiningJuliaBraveretto.

Sa tweets ng fans ni Julia, ine-encourage nila ang 22-anyos na aktres na dumalo nang solo sa ball ngayong gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, nali-link ngayon si Janella sa aktor na si Markus Paterson.

Wala namang direktang kumpirmasyon tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa ABS-CBN Ball noong nakaraang taon, mag-isa ring rumampa sa red carpet si Janella.

Ito ang ikalawang ABS-CBN Ball—dating Star Magic Ball—at sa magkasunod na taon ay layunin ng event na makalikom ng pondo para sa education program ng Bantay Bata 163 at ng ABS-CBN Foundation.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia confirms his attendance to ABS-CBN Ball 2019, to be held at Shangri-La at The Fort in Taguig City, but he says he prefers to go solo.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results