Young JV insists best friend Gerald Anderson did not ghost Bea Alonzo

by Rommel Gonzales
Sep 19, 2019
Young JV (left) on news reports about best friend Gerald Anderson's breakup with Bea Alonzo: "Feeling ko, everything that’s there for him, pangsira lang. And I feel like they shouldn’t do that, first of all, inaatake siya."
PHOTO/S: Noel Orsal / Mark Atienza

Hindi raw maintindihan ni Young JV kung bakit naakusahan ang best friend niyang si Gerald Anderson na nang-ghost sa ex-girlfriend na si Bea Alonzo.

Nag-ugat ito sa pahayag ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald dahil bigla na lamang daw siyang hindi kinausap ng aktor.

“Kaya sabi ko sa kanila, please, ‘Alamin nyo po yung buong story, please," pahayag ni Young JV nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch niya bilang endorser ng Fasclean Extra Power Detergent (ng Megasoft Hygienic Products, Inc.) noong Setyembre 16, Lunes, sa Oriental Palace Restaurant sa Tomas Morato Av., QC.

"Always, at the end of the day, speaking for him, ha, bilang kaibigan ko siya, don’t judge.

"And always respect his manhood as a person, always have respect.

“Kaya sa mga cyberbully po sa kanya, sana po, tigilan niyo na yun at sana, maging peaceful na po yung dalawang parties.”

Continue reading below ↓

Apektado pa rin ba si Gerald o naka-move on na?

Sagot ni Young JV, “Pag kasama ko siya, parati kaming masaya, busy naman siya sa showbiz, or we organize basketball.

"Basta nandun, mga tropa kami for him. We’ll always be there for him."

Sigurado ba si Young JV na hindi nang-ghost si Gerald?

“Hindi, walang ghosting,” diin niya.

Sa mga lumalabas, ilang percent ang totoo at hindi totoo?

“Wala for me, feeling ko talaga, pagsira lang sa kanya lahat.

"Feeling ko, everything that’s there for him, pangsira lang.

"And I feel like they shouldn’t do that, first of all, inaatake siya.”

ABS-CBN BALL 2019

Masaya raw sila sa ABS-CBN Ball na ginanap sa Shangri-La at The Fort, Bonifacio Global City, Taguig, noong Sabado, September 14.

Hindi nagkita sa ball sina Gerald at Bea, kumbaga ay “nai-traffic” nang tama ang dalawa para hindi magtagpo.

“As in magkasama kami ni Ge, nag-enjoy lang kami.”

Continue reading below ↓

Kahit kaibigan ni Gerald ay magagandang salita ang ipinukol ni Young JV kay Bea.

“I’m happy for where she is right now, kung anuman yung... sa career niya.

"Si Bea naman, I always have respect for her, so I wish her all the best and I hope, you know, this issue would die down for both of them para makapagpahinga sila."

Naging close daw sila ni Bea sa mga panahong ongoing ang relasyon nina Bea at Gerald.

“Hindi ko masasabi na super-close but si Ate Bea naman has always been generous to me and very polite.”

Nanghinayang si Young JV sa nangyari sa relasyon ng dalawa.

“Kahit si Ge, he really loves the person so much and alam ko na, alam ko, e, kaibigan ko siya.

“Sabi ko sa kanya, ‘Bro, kung anuman ang desisyon mo, we’re always here to support you.'

"Sabi namin, ‘Just always think about your actions and alam ko naman he’s very responsible sa mga decisions mo.’’

Continue reading below ↓

Sa ball ay hindi nagkita sina Gerald at Bea. Sina Gerald at Julia Barretto ba ay nagkita?

“Ay, wala akong alam.”

Hindi raw niya nakita na magkasama sina Gerald at Julia, pero nakita ni Young JV si Julia sa ball.

“Magkalayo naman. Kami, nasa table lang kami, kumakain lang kami, minding our business.

"Nasa sulok nga kami, e. Umuwi na rin kami after."

Nanindigan si Young JV na sa ngayon, tulad niya ay loveless si Gerald.

Sabi niya ay walang ghosting na naganap, pero iba ang alam ni Bea, so medyo may conflict.

“For me, like, I stand for where my friend is at alam ko po talaga kung saan siya nangagagaling. Iyon po.

"For me, wala po talagang ganung nangyari."

Walang panloloko, walang overlapping na pakikipagrelasyon na naganap?

“A, wala, wala po!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young JV (left) on news reports about best friend Gerald Anderson's breakup with Bea Alonzo: "Feeling ko, everything that’s there for him, pangsira lang. And I feel like they shouldn’t do that, first of all, inaatake siya."
PHOTO/S: Noel Orsal / Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results