May gagawing pelikula ang "Bidaman" finalist na si Yuki Sakamoto kasama ang Viva artists na sina Cindy Miranda at Phoebe Walker.
Magpapaseksi rin ba siya tulad ni Marco Gumabao sa Just A Stranger?
“Why not, why not? Puwede, puwede!
"Kung bigyan ako ng magandang project ni Boss Vic [del Rosario] na kailangang magpakita, confident naman ako.
“Puwede naman,” sabi ni Yuki.
Hanggang saan ang puwede niyang ipakita?
“Kahit saan, lalaki naman tayo. So, wala tayong insecurities.”
Kaya niya ang frontal nudity?
“I mean, depende po sa scene kung ikagaganda talaga, like, kung kailangang mag-frontal, why not?
"Sige subukan natin, wala namang mawawala.”
Kaya rin niya daw ang love scene sa kapwa niya artistang lalaki.
“Depende po talaga sa scene. Pag maganda po talaga, hindi naman po ako picky or… kasi baguhan pa lang po ako, nag-e-explore po talaga ako ng roles so kung may ganung eksena na ibibigay sa akin, okay naman po ako dun.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yuki sa relaunch ng digital album nila ni Yin Valero na Yin & Yuki noong Setyembre 12, Huwebes, sa The Cove sa Okada-Manila.

BIDAMAN EXPERIENCE
May mga nagsasabi na ang half-Japanese, half-Pinoy na si Yuki ang dapat nanalo sa "Bidaman," ang artista search ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.
Ang nanalo ay si Jin Macapagal mula sa Cebu.
Reaksiyon niya, “Salamat po sa mga nag-comment na yun, pero siyempre hindi po natin hawak ang pangyayari so okay lang.”
Hindi raw sumama ang loob niya na hindi siya nanalo.
Sabi ni Yuki, “Actually, nung nag-top six po ako, naging sobrang saya na ako nun.
"Kasi, ang dami rin po talagang magagaling na ibang contestants, so parang nung nag-top six ako, ‘A, puwede na!’
“At least, parang isa po kami sa pina-priority, yung top six po talaga.”
Co-managed ng Mercator Artist & Model Management at ng Viva Entertainment, hindi nakontrata sa ABS-CBN si Yuki.
“Gusto po nila kaso dalawa na po kasi ang nagha-handle sa akin,” sabi niya.
Pero hindi ba supposedly, ang finalists ng "Bidaman" ay automatic na contract artists ng Kapamilya Network?
“Wala po silang nagawa, e kasi dalawa na po ang… every time siguro na may work thru It’s Showtime, idadaan po muna nila sa Mercator.”
Puwede bang lumabas sa GMA-7 si Yuki?
“Nasa contract po ng It’s Showtime, after one year pa po ako puwedeng lumipat ng ibang channel.”
Nakapag-guest na dati si Yuki sa GMA-7, pero mas marami siyang naging stint sa ABS-CBN tulad ng La Luna Sangre.
Willing si Yuki na ipaputol ang mahaba niyang buhok kapag may role na kailangang maigsi ang buhok niya.
“Sure, wala naman pong problema dun.”
Ang album na Yin And Yuki ay naglalaman ng mga kantang "You’re Beautiful," "Lucia Ito Ang Totoo," "1 & 2," at remix ng "You’re Beautiful."
Released ito ng Empire.PH na tulad ng Mercator ay pag-aari ni Jonas Gaffud.
