Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Migo Adecer, 19, tungkol sa insidenteng kinasangkutan niya noong Marso 26, 2019.
Nakipaghabulan si Migo sa ilang pulis-Makati dahil tinakbuhan diumano niya ang dalawang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kanyang nabangga.
Naabutan siya ng mga pulis ngunit nagmatigas pa raw ang aktor at ayaw lumabas sa kanyang sasakyan.
Ayaw rin daw nitong isuko ang kanyang lisensiya.
Tinangka pa umano nitong iatras ang kanyang sasakyan kaya nakabangga ito ng isa pang sasakyan.
Dahil dito, na-detain nang magdamag si Migo sa Makati Police Station.
Ayon sa StarStruck Season 6 Ultimate Male Survivor, naka-move on na siya mula sa pangyayaring iyon.
“I’m actually healed.
“Honestly, I think it did more to my career when I did something bad.
“What I mean is, it was all a big misunderstanding, a lot of information that wasn’t released to the press.
“But it’s better to let the situation die down by itself.
“But all that matters is that I’m out, all safe, and nobody was hurt.”
Gaano ka-traumatic para sa kanya ang pangyayari?
Tugon nito, “It was okay. I mean, it’s definitely a life lesson no matter how.”
Kumusta na ang kasong isinampa laban sa kanya?
Ayon kay Migo, “Yeah, okay na.
“Well, of course, regarding the case, maayos na. We fixed it na.”
Nakainom ba siya noong panahong yun?
Diretsong tugon ni Migo, “No, I was not. I just came from a wedding.”
Anong naramdaman niya noong panahong napapalibutan na siya ng mga pulis?
Nakangiting pag-aalala ni Migo, “Wala, I mean, police are police. You know what I mean?
"Especially with the language barrier, it's quite frustrating to kinda get my point across... I don’t know.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at PEP Troika columnist na si Gorgy Rula si Migo bago magsimula ang grand media conference ng pelikulang Black Lipstick kagabi, September 24, sa Max’s Restaurant, Scout Tuazon, Quezon City.
Ang Black Lipstick ay pinagbibidahan din nina Kyline Alcantara, Manolo Pedrosa, at Kate Valdez. Mula ito sa sa Obra Productions.
Ipapalabas ito sa mga sinehan simula sa October 9.

LICENSE REVOKED
Muling inusisa ni Gorgy si Migo kung na-trauma ba siya sa pangyayari.
Tugon ng binata, “No, not really. Medyo na-revoke lang yung license ko.
“So, I have just to wait for two years ‘til I can get my license.”
Maaari pa ba siyang magmaneho?
Saad ni Migo, “No, not at the moment, and that’s okay.
"Kasi, honestly, I was getting tired of driving, traffic here in the Philippines.”
Ano ang pakiramdam niya ngayon pagkatapos ng insidenteng yun?
“Mentally, I’m stronger,” nakangiting sagot ni Migo.
