Pinag-usapan nang husto ng netizens ang "pag-amin" ni Vice Ganda sa relasyon nilang dalawa ni Ion Perez.
Kahapon, September 25, nagdiwang ng kanilang monthsary sina Vice at Ion base na rin sa rebelasyon ng Unkabogable Star sa live episode ng It’s Showtime.
Ilang minuto pagkatapos mag-post ni Vice sa Instagram, bumuhos kaagad ang mensahe ng netizens na masaya para sa dalawa.
Sa kanyang Twitter account kagabi rin, nagpasalamat si Vice sa mga taong masaya at sumusuporta sa kanyang buhay pag-ibig.
Sabi ni Vice (published as is): “Thanks everyone for the love and support!!!
"Makakaasa kyong ibabalik ko po sa inyo ang pagmamahal na ibinibigay nyo.
"Pipilitin kong mapatawa at mapasaya kayo araw araw sa abot ng makakaya ko.”
ION PEREZ CALLS VICE GANDA “REYNAKO”
Sa bahagi naman ni Ion, nag-post siya ng ilang larawan nila ni Vice sa kanyang Instagram Stories.


Sa isang larawan, tinawag pa niya ang napapabalitang karelasyon na “reynako.”
Caption ni Ion: “Walang salita na maaring sabihin kung gano ka kaGANDA! #reynako.”

