Did Derek Ramsay just reveal that he is no longer married? 

by Rachelle Siazon
Sep 29, 2019
Kapuso actor Derek Ramsay hints at no-longer-married status amid mixed reactions to his newfound relationship with Andrea Torres.
PHOTO/S: @ramsayderek07 Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpahiwatig si Derek Ramsay na siya ay single at malayang magpakasal sakaling magdesisyon siyang lumagay sa tahimik.

Kaugnay ito ng pagsagot ni Derek, 42, sa ilang netizens na bumabatikos sa pagkumpirma niyang magkarelasyon na sila ni Andrea Torres, 29.

Si Andrea ay katambal ni Derek sa GMA-7 afternoon series na The Better Woman, na umere mula July 1 hanggang September 27, 2019.

Kinuwestiyon kasi ng isang netizen ang masayang pagbati ni Lolit Solis, veteran talent manager/entertainment columnist, sa nabuong magandang pagtitinginan nina Derek at Andrea.

Hiling pa ni Lolit, base sa kanyang Instagram post noong September 27, na sana ay mauwi sa kasalan ang relasyon ng couple dahil "ripe na ripe na for marriage" si Derek at "mukhang domesticated" naman daw si Andrea.

Kontra ng isang netizen, paano raw ikakasal si Derek kung kasal pa ito sa ibang babae.

Balik-sagot ni Derek sa nagsabing kasal pa siya, "that's not true."

Continue reading below ↓

HAS DEREK'S MARRIAGE BEEN ANNULED?

August 2014 nang mapabalita ang paglantad ng asawa ni Derek na si Mary Christine Jolly na ikinasal sila ng aktor noong April 2002 at mayroon silang anak na lalaki.

Ilang buwang nasangkot sa legal battle ang estranged married couple, pero noong October 2014 ay humantong din sa "compromise agreement" ang magkabilang partido para raw sa ikabubuti ng kanilang anak.

Continue reading below ↓

Base sa mga naiulat noon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), bukod sa "support, visitation rights, at citizenship" ng kanilang anak ay tinalakay din ang pag-file ng annulment sa kasal nina Derek at Mary.

Mula noon ay tikom ang bibig ni Derek pagdating sa usaping may kaugnayan sa matagal nang hiniwalayang asawa.

Sa kasagsagan ng kontrobersiya sa pagitan ng dalawa, nabanggit na naghiwalay sina Derek at Mary makalipas lamang ng limang buwan mula nang sila ay maikasal.

HAPPY WITH ANDREA

Balik sa kasalukuyan, nitong September 25, 2019, kinumpirma ni Derek na magkasintahan na sila ni Andrea Torres.

Tugma ito sa naunang pag-amin ni Derek sa PEP.ph, noong August 20, 2019, na boto ang kanyang ina kay Andrea noong una pa lang ipinakilala ng aktor ang dalaga sa kanyang pamilya.

Kaugnay nito, may mensahe si Derek sa netizens na hati ang reaksiyon tungkol sa magandang takbo ng kanyang buhay pag-ibig ngayon.

Sa pagpapatuloy ng kanyang comment sa Instagram post ni Lolit Solis, sabi ni Derek (published as is):

Continue reading below ↓

"Thank you nay for the kind words. Thank you to everyone happy for me and andrea.

"To all the bashers out there who think they know me and andrea pls introduce yourselves first to both of us so next time you comment its not all based on what you think but what you know.

"If ayaw nyo its ok and continue with what you do basta it makes you happy.

"Take care everyone"

Continue reading below ↓

Huling nakarelasyon ni Derek ang dating live-in partner at fitness enthusiast na si Joanne Villablanca.

Noong June 2019 parehong kinumpirma nina Derek at Joanne na hiwalay na sila.

Kamakailan lang ay naghayag si Joanne na "happy" siya sa natagpuang bagong pag-ibig ng dating nobyo.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Derek Ramsay hints at no-longer-married status amid mixed reactions to his newfound relationship with Andrea Torres.
PHOTO/S: @ramsayderek07 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results