Markus Paterson attends birthday party of Janella Salvador's dad

by Arniel C. Serato
Oct 2, 2019
Rumored couple Markus Paterson and Janella Salvador are all smiles during the 56th birthday celebration of Juan Miguel Salvador, Janella's father.
PHOTO/S: Courtesy: @markusjanellateamreal on Instagram

Kahit hindi pa umaamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon, hindi maipagkakailang may namamagitan sa Kapamilya stars na sina Janella Salvador at Markus Paterson.

Matapos dumalo ni Janella sa ika-60 kaarawan ng ina ni Markus sa Pangasinan noong September 7, si Markus naman ay um-attend sa ika-56 kaarawan ng ama ng aktres na si Juan Miguel Salvador noong Linggo, September 29.

Hindi man nasabi sa Instagram post ng isang fan kung saang restaurant ginanap ang birthday dinner ng mang-aawit ding si Juan Miguel, makikita sa larawan na masaya at kumportable ito sa piling ng anak at sa napapabalitang nobyo nito.

Continue reading below ↓

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Markus noong August 13, sinabi nitong wala pang label ang napababalitang relasyon nila ng The Killer Bride actress.

Sabi ni Markus, “Honestly, what you see is what you get, like, label or not label, I don’t think it really matters.”

Inamin din ng binata na pareho na niyang nakilala ang mga magulang ni Janella na si Juan Miguel at ang singer-actress na si Jenine Desiderio.

Paglalarawan pa ni Markus sa pamilya ni Janella, “Her family is great, very nice.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumored couple Markus Paterson and Janella Salvador are all smiles during the 56th birthday celebration of Juan Miguel Salvador, Janella's father.
PHOTO/S: Courtesy: @markusjanellateamreal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results