Nadine Lustre says it's her choice to lie low from showbiz

by Rose Garcia
Oct 2, 2019
Nadine Lustre on laying low from showbiz: “Simula nang mag-shoot kami ng Ulan, since last year pa hanggang mid-year this year ng 2019, parang naisip ko na gusto ko namang ibigay sa sarili ko yung the rest of the year.”
PHOTO/S: Rose Garcia

Personal choice daw ni Nadine Lustre na tanggihan ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 movie na Miracle in Cell #7.

Pinalitan siya ni Bela Padilla sa Viva movie na pinagbibidahan ni Aga Muhlach.

“Ngayon po kasi, medyo nag-lie low ako,” sabi ni Nadine.

“Parang naisip ko lang po kasi na medyo naging hectic na po ako. Last year pa, actually.

“Simula nang mag-shoot kami ng Ulan, since last year pa hanggang mid-year this year ng 2019, parang naisip ko na gusto ko namang ibigay sa sarili ko yung the rest of the year.”

Nagiging draining ba sa kanya?

“Hindi naman po draining, pero ako po kasi yung klase ng tao na kapag hindi ko naaasikaso ang sarili ko creatively—mahilig po kasi akong mag-travel lang, music lang or magbabasa lang—parang nade-depress ako kapag hindi ako nakakagawa ng anything na creative.”

Hindi pa masagot ni Nadine kung sa 2020 ay gagawa siya muli ng pelikula.

Continue reading below ↓

“We’ll see, tingnan po natin,” saad ni Nadine.

“Pero lalabas na po ang Your Moment, parang talent search siya with a twist. Ipapalabas na po yata siya ngayong November.

“Yun po ang na-brief sa akin, pero hindi po ako sure.”

Kasama niya sa TV show na Your Moment sina Billy Crawford at Boy Abunda.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters si Nadine sa launching niya bilang ambassador ng Mobile Legends: Bang Bang Liga2Kontrabida noong September 29, Linggo, sa SM Mall of Asia.

LIE LOW IN SHOWBIZ CAREER

Pinagkakaabalahan din ni Nadine ang paggawa ng kanta. Magre-record muna siya ng album?

“Tingnan po natin,” pakli ni Nadine.

“Mahirap din po kasi kapag ikaw ang sumusulat ng kanta. Hindi siya ganun kadali.

“You know, going to the studio, kailangan uupo ka lang dun, babantayan mo kasama ang producer mo.”

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni Nadine na ang ginagawa niyang kanta ay sa ilalim ng label ng boyfriend niyang si James Reid, ang Careless Music Manila.

“But now din kasi, even with the label, medyo lie low rin muna ako.

"Wala pa rin akong medyo nalalabas na song. We’re just waiting for the right time.”

Ano ang epekto sa kanya ng pagla-lie low muna sa ilang proyekto?

“Ako, I’m really happy,” tugon ni Nadine.

“I feel very refreshed. Iba, iba po talaga kapag nakapagpahinga ka. Alam mo yung nagagawa mo yung gusto mo.

“Meron din po kasi akong mga inaasikaso na mga financial.”

Nilinaw rin ni Nadine ang tungkol sa pag-alis ni James sa Viva.

“With James naman po kasi, I think his contract ended na, that’s why.”

Aalis na rin ba siya sa Viva?

“As for me, I’ve been with Viva for 10 years. Okay naman po kami," maikling sagot niya.

Continue reading below ↓

MOBILE LEGENDS AMBASSADOR

Masayang-masaya si Nadine na siya ang kinuha ng sikat na online game na Mobile Legends bilang ambassador.

“I’m really happy of all the artists na puwede nilang kunin, ako yung kinuha nila,” sabi niya.

Siya rin ang isa sa face of the game bilang si Lady Luster.

Dati na raw naglalaro si Nadine, pero tumigil siya at ngayon na lang muli naglalaro.

Si James daw ang nagtuluy-tuloy sa paglalaro nito.

“Nang malaman ko na kinuha ako ng Mobile Legends, naglaro ulit ako.

"Yung time din kasi, mahirap. E, dati, kapag naglalaro ako sa mga video games, walang tayuan talaga, so mahirap.”

Ngayon daw, medyo nama-manage na ni Nadine ang paglalaro.

Masaya rin daw si James nang malamang siya ang kinuhang ambassador.

Ayon kay Nadine, “Masaya siya, e, kasi nga, bago siya. Puwede namang lalaki ang kuning ambassador, di ba?

“Pero ako ang kinuha nila, babae.”

Continue reading below ↓

Natuwa rin si Nadine dahil sa paglaki ng e-games sa bansa at sa SEA Games ay merong representative ang Pilipinas.

Saad niya, “Yun nga, parang in thing na rin ang e-games ngayon.

"Ako, I’m really, really happy sa nangyayari ngayon.

“Marami talagang gamers na ito talaga ang ginagawa nilang business. Yung mga streaming and all.

"Katulad ng kapatid ko, nagte-test siya ng mga games, so it’s really a thing na rin kasi.

“And it’s nice na this time, everyone is taking it seriously.”

Natawa si Nadine nang hingan namin siya ng payo na sa kasikatan nga ng Mobile Legends, marami rin ang sobrang naaadik na, lalo na ang mga kabataan at estudyante na ginugugol ang kanilang oras sa paglalaro.

“Nakaka-adik naman talaga siya!” natawang sabi niya.

“I guess, manage your time lang and, as much as possible, set a time rin for, you know, things that you need to do, like studying.

Continue reading below ↓

“Kung sa work naman, kailangan lang ng time management.”

May mga gamer na maririnig habang naglalaro na sa sobrang focused nila sa laro, nandiyang nagagalit at napapamura na.

“Hindi naman ako ganun!” natawang reaksiyon ni Nadine.

“Hindi naman ako nagta-trash talk. Pero ang dami kong nakikitang players na ganun.

"And so far naman, wala namang sumisita sa akin. Okay naman akong maglaro.

“Hindi naman ako ganun kawaley maglaro.”

Inamin ni Nadine na isa sa pang-stress reliever niya ang online games.

“It is,” sambit niya.

“Honestly, for most people. Yung hairstylist ko, naglalaro rin siya nito. Yung make-up artist ko...

"Parang it’s nice din kasi to disconnect from the real world.

“Parang stress-reliever nga siya. It’s like watching movie for me na maglalaro lang ako at wala akong ibang iisipin.”

Sa mga kaibigan niyang artista, sino ang tatlo na gusto niyang makalaro ng Mobile Legends?

Continue reading below ↓

“Oh, my god, si James yung isa,” sabi ni Nadine.

Magaling ba si James?

“Magaling siya. Siya ang nagtuturo sa akin.

"Kasi, hindi lang naman yun skill, so alam mo yung strategizing but also building.

"Dapat marami kang alam sa game kasi dapat, intindihin mong lahat, e.”

Pangalawa raw, ang make-up artist niya, ang kapatid niya, at ang kaibigan niyang si Myrtle Sarrosa.

“Si Myrtle, mataas na rin. Pero hindi ko pa nakakalaro si Myrtle, e.

"Pero sige, si Myrtle na lang. Gamer din talaga yun."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre on laying low from showbiz: “Simula nang mag-shoot kami ng Ulan, since last year pa hanggang mid-year this year ng 2019, parang naisip ko na gusto ko namang ibigay sa sarili ko yung the rest of the year.”
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results