Boy Abunda appeals to Bela Padilla, Dani Barretto to save "very deep friendship"

by Jet Hitosis
Oct 2, 2019
Boy Abunda appeals to best friends Bela Padilla (left) and Dani Barretto (right), who recently unfollowed each other on Instagram: "Sana'y maayos pa ang dapat ayusin."
PHOTO/S: @bela, @danibarretto on Instagram

Kung si Boy Abunda ang masusunod, gusto niyang magkaayos pa ang mag-best friends na sina Bela Padilla at Dani Barretto.

Nanghihinayang kasi ang TV host-talent manager sa “very deep friendship” nina Bela at Dani.

Ito ang naging paksa sa #ItanongMoSaTWBA segment ng evening talk show niyang Tonight With Boy Abunda kahapon, October 1.

Sa naturang segment, sinasagot ni Boy ang katanungan ng kanyang viewers na ipinadadala sa social media.

Kagabi, itinanong ng isang netizen kung bakit in-unfollow nina Bela at Dani ang isa’t isa sa Instagram, gayung matalik silang magkaibigan.

Sagot ni Boy, “Upon checking, totoo nga. Bela and Dani have unfollowed each other’s IG.”

BEST FRIENDS UNFOLLOW EACH OTHER

Kasunod nito, kinumpirma ni Boy ang pagiging matalik na magkaibigan nina Bela at Dani.

“Matalik na magkaibigan ang dalawa,” ani Boy.

“Sa katunayan, kung matatandaan po natin, isa si Bela sa mga bridesmaids sa kasal ni Dani noong Abril.”

Continue reading below ↓

April 23 ngayong taon nang ikinasal si Dani kay Xavi Panlilio.

Sa report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mismong araw ng kasal ni Dani, nabanggit na mismong si Bela ang nagkuwento na nasa La Union at nagbabakasyon sila noon ng kanyang best friend nang makilala nito si Xavi, noong May 2017.

DOES IT HAVE SOMETHING TO DO WITH JULIA?

Patuloy ni Boy, “Ang espekulasyon ng ilan, maaaring nakasama rin si Dani sa social media cleansing ni Bela.

“Dahil one time, nang naging bisita natin si Bela dito sa TWBA, ibinahagi ito ni Bela sa atin—last August to be exact—nagbabawas umano siya ng mga taong sinusundan sa social media.

“At last year, kasali nga ang kapatid ni Dani na si Julia Barretto sa mga in-unfollow niya.”

Ang tinutukoy ni Boy ay ang guesting ni Bela sa TWBA noong August 7 kung saan inamin ng aktres na kasama si Julia sa mga in-unfollow niya noong 2018 bilang bahagi ng kanyang “Instagram detox.”

Continue reading below ↓

Sa interview, nagpaliwanag din si Bela kay Boy tungkol sa litrato niya habang kasama sa dinner si Bea Alonzo.

Ang dinner—na may #ParaKayB sa caption—ay nangyari sa kasagsagan ng kontrobersiya sa pagkakadawit ni Julia sa breakup ni Bea kay Gerald Anderson.

Sa naturang interview ni Boy kay Bela, inamin ng aktres na kinailangan niyang ipaliwanag kay Dani at sa ina nitong si Marjorie Barretto kung bakit kasama siya sa dinner na iyon.

Paliwanag ni Bela, mga kasamahan niya sa ABS-CBN teleseryeng Sino Ang May Sala? Mea Culpa ang kasama niya sa dinner nang biglang dumating si Bea.

Nilinaw ni Bela na bagamat wala siyang alam kung para saan ang naturang dinner, walang naging issue sa kanya, dahil pawang katrabaho naman niya sa Kapamilya network ang naroroon.

Tiniyak din noon ni Bela kay Boy na walang naging problema sa friendship nila ni Dani ang naturang litrato—na nagbunsod upang ma-bash daw siya ng fans ni Julia.

Continue reading below ↓

SAVE THE FRIENDSHIP

Opinyon pa ni Boy, “Itong pag-unfollow ni Bela at saka ni Dani—this is my guess—may have something to do with the friendship. I don’t know what it is.

“But this is a kind of story na sana bigyan natin ng pagkakataon, ng espasyo, itong dalawa. Na sana’y maayos kung ano ang dapat ayusin.

“Because this is coming from a very deep friendship.”

Kasunod dito, hinimok ni Boy ang magkaibigan na bigyang-linaw ang isyu sa pagitan nila.

“Tayo’y nakikiusap na sana’y bigyan natin ng chance si Bela at saka si Dani, because I’m sure, lalo na si Bela, is ready to talk and to tell her story.”

Kapwa wala pang reaksiyon sina Bela at Dani sa apelang ito ni Boy, hanggang sa mailathala ang report na ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy Abunda appeals to best friends Bela Padilla (left) and Dani Barretto (right), who recently unfollowed each other on Instagram: "Sana'y maayos pa ang dapat ayusin."
PHOTO/S: @bela, @danibarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results