Malacañang says celebrities in Russia trip "not paid"

by Jet Hitosis
Oct 3, 2019
Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo (right) insists that the celebrities (left) who join President Rodrigo Duterte's five-day official visit to Russia are "genuine and rabid fans" of the Chief Executive and "are not paid."
PHOTO/S: Mitch Dela Cruz Tagbe, Presidential Communications Operations Office

Hindi ginastusan ng gobyerno ang celebrities na kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia.

Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa pahayag niya sa media ngayong Huwebes, October 3.

Kasunod ito ng pag-ani ng reaksiyon ng Facebook post kahapon, October 2, ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Moscow na nakipag-selfie sa mga kilalang pro-Duterte celebrities na sina dating Tourism Promotions Board (TPB) Chief Operating Officer Cesar Montano, Phillip Salvador, at Moymoy Macasero ng Moymoy Palaboy duo.

Kasama rin sa naturang mga litratong ipinost ng OFW na si Mitch dela Cruz Tagbe sina Marinduque Congressman Lord Allan Velasco at Atty. Larry Gadon.

Continue reading below ↓

Gaya sa mga nakalipas na official visit ni Pangulong Duterte sa ibang bansa, curious muli ang ilang netizens kung ginastusan din ba ng gobyerno ang biyahe ng celebrities na kasama ng Presidente.

“THEY SPENT FOR THEIR OWN”

Sa statement ni Secretary Panelo, na quoted sa Manila Bulletin report ng Malacañang reporter nito na si Argyll Cyrus B. Geducos, iginiit ng opisyal na ang celebrities na kasama ng Presidente “[to] entertain the Filipino community” ay “not paid.”

“With regard to the showbiz [personalities] who are here, as far as I know, when they entertain the Filipino community while waiting for the arrival of the President, they are not paid,” ayon kay Panelo.

Paliwanag pa niya, “They have been doing that during the presidential campaign.

“They just happen to be genuine and rabid fans of PRRD.

“As far as I know they spent for their own. They can afford to travel.”

Continue reading below ↓

Nasa Russia ngayon si Pangulong Duterte para sa five-day official visit at bilateral meetings niya kina Russian Prime Minister Dmitry Medvedev at Russian President Vladimir Putin.

Bukod kay Panelo, kabilang din sa official delegation ng Presidente ang 14 na Cabinet members at si Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta.

Miyerkules ng madaling-araw, October 2, nang dumating sa Moscow si Pangulong Duterte.

Inaasahang balik-bansa na ang Presidente sa Linggo, October 6, at didiretso sa Davao City mula sa Russia.

PLANE TICKET, TALENT FEE

Hindi ito ang unang pagkakataong naging usap-usapan ang pagsama ng ilang celebrities sa biyahe ni Pangulong Duterte sa ibang bansa.

Mayo ngayong taon nang inamin ni Bayani Agbayani na sinagot ni noon ay Senator-elect Bong Go ang plane ticket niya papuntang Japan.

Gayunman, nilinaw ni Bayani na wala siyang talent fee nang mag-perform siya para sa mga Pinoy sa Tokyo.

Bukod kay Bayani, kasama rin noon sa biyahe ni Pangulong Duterte sa Japan sina Phillip, Robin Padilla, Martin Escudero, Michael Pangilinan, at ang engaged couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Continue reading below ↓

Nakipagsagutan pa noon sa netizens si Dianne upang igiit na sila ni Rodjun ang nagbayad ng plane ticket nila para dumalo sa event na laan sa Filipino community sa Tokyo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo (right) insists that the celebrities (left) who join President Rodrigo Duterte's five-day official visit to Russia are "genuine and rabid fans" of the Chief Executive and "are not paid."
PHOTO/S: Mitch Dela Cruz Tagbe, Presidential Communications Operations Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results