Bayani Agbayani, inaming sagot ng gobyerno ang pamasahe niya sa Japan

by PEP Troika
Jun 2, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Hunyo 1, Sabado ng gabi, umuwi sa bansa si Bayani Agbayani kasama ang asawa niyang si Lenlen galing Japan.

Nakausap ko siya sa telepono para linawin ang isyu ng pagpunta nila ng Japan kasama ang ilang artistang sumabay sa state visit ni President Rodrigo Duterte roon.

Kaagad inamin ni Bayani sa akin na ang tanggapan ni Senator-elect Bong Go ang nagdala sa kanya sa Japan.

Si Bayani kasi ang madalas na isinasama sa mga kampanya ni Go.

Hindi niya masagot kung ganun din sa ibang artistang kasama dahil hindi niya alam kung ano ang usapan.

Sabi ni Bayani, “Mapapanghawakan ko lang ang sarili ko, ha? Hindi ko alam yung sa iba.

“Akala ko, blowout sa amin, yun pala, magtatrabaho kami.

"Kaya sabi ko kay Lenlen, matuwa na lang tayo dahil nakita naman, tinitipid talaga nila."

View this post on Instagram

Good afternoon????

A post shared by Bayani (@bayaniagbayani) on

Economy ticket daw ang ibinigay sa kanya ng tanggapan ni Go, pero si Bayani raw ang nagbayad para kay Lenlen dahil gusto niya itong isama.

Continue reading below ↓

Aware si Bayani sa mga bashing na natanggap ni Dianne Medina dahil parang ang defensive ng dating na sinasabi nitong sila ng fiancé na si Rodjun Cruz ang nagbayad ng tickets nila papunta, pero kasama sila sa mga nagbigay-saya sa mga OFW sa Meeting with the President sa Tokyo noong May 30, Huwebes.

“Sabi ko nga sa kanila, dapat sinasagot ninyo nang tama ang bawat tanong. Kung ano yung tanong, yun ang sagot.

“Kasi, hindi naman puwede na ikaw pa ang magbabayad ng pamasahe mo, 'tapos ikaw pa ang magpi-perform. Ano ka, tanga?

“Normal naman yun, e,” sabi ni Bayani.

Ang pagkakaalam ni Bayani, kasama talaga sa grupo si Dianne, pero ibinili raw ni Dianne ng ticket si Rodjun para samahan siya.

Si Dianne lang daw kasi ang nag-iisang babae, kaya nagpasama ito sa fiancé niya.

Nilinaw rin ni Bayani na wala siyang talent fee sa pagpe-perform sa Japan, pero okey lang daw yun dahil kahit paano, naging bahagi sila sa biyaheng yun ng presidente at napasaya nila ang mga kababayan nating OFWs.

Continue reading below ↓

“Dito kahit singko, wala, as in wala.

“Siyempre, yung economy na ticket, alangan namang sagutin ko pa yun?

“Magpi-perform na nga ako doon para sa mga Pilipino para mapasaya sila,” pagdidiin ng komedyante.

NOEL FERRER: Kaya naman malapit tayo kay Bayani, malinaw at honest kausap. Diretso rin sumasagot sa mga tanong.

Kaya naman, Dianne, puwede mo namang sabihin, na kasama ka sa delegation na magti-'twerk it like Miley,' pero ikaw ang nagbayad sa pamasahe ni Rodjun at iba pang sumabit sa biyahe ninyo.

Wala namang masama roon.

Sabi nga ni Isah Red, sana hindi na lang nagsisinungaling.

JERRY OLEA: Less talk, less mistake. Nasaan ba ang resibo?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results