Veteran actor Tony Mabesa dies at 84

by Erwin Santiago
Oct 4, 2019
Theater icon Tony Mabesa passed away Friday night, October 4. He was 84.
PHOTO/S: Jerry Olea / File

Pumanaw na ang veteran theater, film, and television actor na si Tony Mabesa nitong Biyernes ng gabi, October 4. Siya ay 84 taong gulang.

Kinumpirma ng playwright na si Floy Quintos ang malungkot na balita sa pamamagitan ng Facebook post kagabi:

“We, the family of Antonio Mabesa, are saddened to announce his passing.

"Sir Tony joined his creator at 10:20 this evening. He was surrounded by family and friends.

"Details of the wake will be announced tomorrow.

"We thank you for your prayers. We hope you can respect the family's wish for privacy at this time."

Continue reading below ↓

Kaagad namang bumuhos ang mensahe ng pakikiramay mula sa mga kasamahan ni Tony sa industriya.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Si Tony ay pumanaw halos apat na buwan pagkatapos yumao ng kanyang co-star sa pelikulang Rainbow's Sunset na si Eddie Garcia.

Ito rin ang kanyang huling pelikula kung saan siya nanalong Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival 2018.

LION OF THE THEATER

Higit sa kanyang mga role sa pelikula at telebisyon, mas kilala si Tony bilang isa sa mga haligi ng Philippine theater.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, tinagurian siyang "Lion of the Theater" ng kanyang mga kasamahan sa teatro.

Ayon sa report ng Inquirer, nag-aral si Tony ng theater arts sa University of the Philippines kung saan ang naging mentor niya ay ang late national artist for theatre na si Wilfrido Ma. Guerrero.

Tinapos niya ang kanyang master's degree in theatre arts sa University of California noong 1965, at master's degree in education sa University of Delaware noong 1969.

Pagkatapos nito ay itinatag niya ang Dulaang UP at UP Playwrights sa University of the Philippines, kung saan idinirek niya ang daan-daang plays.

Siya rin ang itinuturing na mentor ng ilan sa pinakamahuhusay na theater actors gaya nina Nonie Buencamino, Shamaine Centenera, Irma Adlawan, Eugene Domingo, Frances Makil-Ignacio, Adriana Agcaoili, Banaue Miclat, at Neil Ryan Sese, and many others.

Huling nakita ng publiko si Tony nang dumalo siya sa Sine Sandaan sa New Forntier Theater sa Quezon City noong September 12, 2019.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Theater icon Tony Mabesa passed away Friday night, October 4. He was 84.
PHOTO/S: Jerry Olea / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results