Joel Lamangan, Liza Diño, Harlene Bautista pay tribute to Tony Mabesa

by Jerry Olea
Oct 5, 2019
Colleagues from theater and film mourn the passing of veteran actor Tony Mabesa.
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

Iprinodyus ni Harlene Bautista ang pelikulang Rainbow’s Sunset para sa kanyang ninong na si Tony Mabesa.

Ito ang unang pelikula na bida si Tony.

Nagwaging best supporting actor si Tony sa 44th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Disyembre 27, 2018 para sa nasabing pelikula.

Sa 42nd Worldfest Houston Film Festival noong Abril 2018 sa Houston, Texas, kapwa itinanghal na best actor sila ng co-star na si Eddie Garcia para sa Rainbow’s Sunset.

Post ni Harlene nitong Oktubre 4, Biyernes ng gabi, sa Facebook kaugnay sa pagpanaw ni Tony, “I love you, Sir. Maraming salamat po sa lahat-lahat. ”

Pinost ni Eric Ramos (scriptwriter ng Rainbow’s Sunset) nitong Friday night sa FB ang isang litrato nina Eddie Garcia at Tony Mabesa na magka-holding hands.

Ani Eric, “Tatlong buwan matapos pumanaw si Ramon, iniwan na rin tayo ni Fredo. Paalam, Sir Tony Mabesa! Pakikumusta na lang kay Tito Eddie sa langit. O kung saan man magkahawak-kamay ang bahaghari at dapithapon.”

Continue reading below ↓


DIREK JOEL'S MOVIE COMPANION

Madalas na kasama si Tony Mabesa sa mga pelikulang dinirek ni Joel Lamngan.

“Siya ang aking tagapayo, ang aking guro!” sabi ni Direk Joel Lamangan nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Sabado ng umaga, October 5, via Messenger.

Madalas ding magkasama sila sa panonood ng mga sine.

Continue reading below ↓

“Nag-uusap at nagdi-discuss kami ng mg obrang napapanood!”

Isa si Tony sa mga panauhin ni Direk Joel sa kanyang birthday dinner noong Setyembre 21, Sabado, sa Alba restaurant, Morato Avenue, Quezon City.

“Parati siyang nandoon sa b-day prty ko! Mami-miss ko siya!!

“Isa siyang kaibigan, guro, mabuting tao!! Siya ang tunay na ibig sabihin ng salitang ‘director’! Paalam Tony!” sabi pa ni Direk Joel.

Continue reading below ↓

OPEN LETTER TO SIR TONY

May open letter si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño-Seguerra sa FB para sa kanyang mentor:

“Dear Sir Tony,

“I still can't believe na totoo... na wala ka na. Na hindi ka na namin makakasama. Masakit sa dibdib.

“Para akong anak na nawalan ng magulang. You are more than just a mentor and director to me. You are like the Father (and mother) that I will always look up to.

“I don't know if I've told you enough how grateful I am to have been mentored by you. Ikaw ang puno't dulo ng lahat. Kung wala ka, hindi ako magkakapuwang sa industriyang ginagalawan natin ngayon.

“Ikaw ang nagtiwala, sumugal at nakakita nang talentong meron ako (kahit sinasabi mo lagi...maganda lang ako!). You are why I am here. At hinding-hindi ko makakalimutan yun, Sir Tony.

“Sir, paano na? Bakit mo kami iniwan? Sabi ko noon sa sarili ko, aarte ako ulit pagkatapos ko sa FDCP, paano pa tayo ulit magkakatrabaho?

Continue reading below ↓

“I will miss your texts. Your random messages of support to let me know I am appreciated and loved.

“I will also miss your ‘tampo’ texts, pag di mo pa nare-receive yung mga imbitasyon ko. Or when you want to remind me about your MMFF or PPP passes to watch films kasi suspended ang MTRCB Deputy card mo.

“Sir, hindi man tayo nagkikita parati pero sana, alam mo na palagi akong grateful sa iyo. Mahal na mahal na mahal na mahal kita, sir, and it breaks my heart right to now to say goodbye to you...

“Sir TONY, MARAMING MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT.

“Kaming mga anak mo sa teatro ay walang katapusang magpupugay sayo. Sir, I love you so much...pls watch over us. Sana na-hug man lang kita. Love you, sir Tony...

“Your prodigal daughter,

“Liza”

Continue reading below ↓

A POEM FOR TONY MABESA

Tagulaylay ng mandudula, makata, aktor at direktor na si Frank Rivera sa Facebook:

TONY MABESA
Isang Pahimakas

Punumpuno ang buhay mo, Kaibigan
May dula, may sayaw, saka may awitan

Dulsayawit ito't may bahaghari pa
Edukasyon, Sining, at saka Kultura

Galing ka sa Hawaii nang bumalik dito
Iyong tinanggihan offer ng MSU
At ang pinili mo ang DULAANG UP

Napakapalad kong mapasa-Marawi
Ating mga buhay pinagtagpo noon

Dula ni Pilandok para lang kahapon
Bati mo sa akin, "Tama ka lamang d'yan
Sa Kambayoka ka, ako sa Diliman."

Doon nagsimula ang pagkakatoto
TV't pelikula, hindi lang sa teatro

Sa Seiko, sa Regal tayo'y nagkasama
Sa Balintataw at kahit pa sa Viva

Pareho tayo ng katotong matalik
Si Joel Lamangan sa atin nagbitbit

Sa mga proyekto at mga lakaran
Lalong pinaigting pagkakaibigan

Ang birthday ni Joel huling pagkikita
At pinaghuntahan si Lope de Vega
May-Akda ng dulang iniwan mo ngayon

Nang ika'y yumaong wala sa panahon
Subalit kung akin itong lilimiin

Continue reading below ↓

Ang iyong paglisan napapanahon din
Dahil ang iniwang dula ang pamana
Kahit di natapos madudugtungan pa

Sa ating dalawa ganyan ang nangyari
Mga nakinabang maraming-marami

Kaya, Katoto ko, pumalangit ka na
Tala mo'y ilawan, O, TONY MABESA!

PAALAM...

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Colleagues from theater and film mourn the passing of veteran actor Tony Mabesa.
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results