Albert Martinez pays tribute to mother-in-law Amalia Fuentes by posting photos on Instagram

by Bernie V. Franco
Oct 5, 2019
Albert Martinez posts a series of "happy family" photos with mother-in-law Amalia Fuentes, who passed away this Saturday, October 5.
PHOTO/S: Noel Orsal / @albertmartinezph on Instagram

Nag-post ng series of photos si Albert Martinez, 58, kaugnay ng pagpanaw ng kanyang mother-in-law na si Amalia Fuentes.

Ngayong Sabado, October 5, dakong alas-kuwatro ng umaga, pumanaw si Amalia dahil sa cardiac arrest sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig.

Siya ay 79 anyos.

Si Amalia ang ina ng dating aktres na si Liezl Martinez, asawa ni Albert.

March 2015 nang pumanaw si Liezl dahil sa breast cancer sa edad na 47.

ALBERT POSTS happy PHOTOS with amalia

Ngayong umaga, magkakasunod na happy photos ang ipinost ng seasoned actor sa kanyang Instagram account.

Ang una ay ang masayang larawan nina Liezl at Amalia, na sinundan ng photo ni Albert kasama si Amalia na nasa wheelchair.

Ang pangatlong photo ay glamour shot ni Amalia noong kabataan niya, at ang panghuli ay ang larawan nina Amalia at Albert kasama ang mga anak ng aktor na sina Alyanna at Alfonso.

Simpleng caption ni Albert sa post niya: “Amalia Fuentes 1940 - 2019 Rest In Peace”

Continue reading below ↓

NIÑO MUHLACH TALKS ABOUT AMALIA’S CAUSE OF DEATH

Samantala, nagsalita naman si Niño Muhlach, 47, hinggil sa dahilan ng pagkamatay ng kanyang Tita Amalia.

Kapatid ni Amalia ang ama ni Niño na si Alexander Muhlach.

Sinabi ng former child actor na cardiac arrest ang ikinamatay ni Amalia dahil sa multiple organ failure.

Continue reading below ↓

“Cardiac arrest po,” sagot ni Niño sa panayam niya sa dZMM Teleradyo via phone patch kaninang umaga.

“Dinala po siya sa St. Luke’s siguro four days ago, 'tapos nagkaroon ng multiple organ failure.

“’Tapos lagi siyang nagsi-seizure.

“Kahit nasa ICU, lagi siyang nagsi-seizure.”

Binanggit din ni Niño na nagkaroon ng matinding dagok sa kalusugan ni Amalia ang atake nito sa puso sa South Korea noong 2015.

“Magmula noon, paralyzed na po siya, ‘tapos she was bedridden for the past four years,” pahayag ng aktor.

Sunud-sunod daw ang naranasang seizure ni Amalia noong nakaraang linggo kaya isinugod ito sa ospital.

Sinabi rin ni Niño na nasa ospital siya, kasama ang mga kamag-anak at mga kapamilya, nang bawian ng buhay ang kanyang tita na itinuring na movie queen ng Philippine cinema.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albert Martinez posts a series of "happy family" photos with mother-in-law Amalia Fuentes, who passed away this Saturday, October 5.
PHOTO/S: Noel Orsal / @albertmartinezph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results