Alfonso Martinez recalls last moments of grandmother Amalia Fuentes

by Jerry Olea
Oct 7, 2019
Alfonso Martinez on late grandmother Amalia Fuentes's feisty character: "Alam mo naman si Lola, medyo passionate. Passionate. Passionate talaga... Kung hindi ka mahal ni Lola, hindi ka niya aawayin, hindi ka niya papansinin."
PHOTO/S: Jerry Olea

Maligaya si Alfonso Martinez na tapos na ang paghihirap ng lola niyang si Amalia Fuentes, 79, na-stroke habang nagbabakasyon noong Oktubre 2015 sa South Korea.

Naratay sa higaan ang legendary actress at movie queen, hanggang pumanaw ito noong Oktubre 5, Sabado ng madaling-araw.

“It’s been four years, you know, she’s been fighting for four years,” pagbuntong-hininga ni Alfonso nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa lamay ng kanyang lola nitong Oktubre 6, Linggo ng gabi, sa Mt. Carmel Church, Broadway St., Quezon City.

“So, I’m just happy now that she’s with Lolo Bobby, Tito Joey, my mom, Tito Cheng.

“She won’t suffer anymore. I’m glad na rin.”

Ang mga nabanggit na pangalan ni Alfonso ay nagsipanaw na rin.

Sina Romeo "Bobby" Vasquez at Joey Stevens ang mga naging asawa ni Amalia; ang ina ni Alfonso na si Liezl Sumilang Martinez ang nag-iisang anak nina Amalia at Bobby; at si Cheng Muhlach ang ama ni Aga Muhlach.

Continue reading below ↓

Kumusta ang last few days ni Amalia?

“It’s difficult pero... it’s life,” pakli ni Alfonso.

Mula nang ma-stroke si Amalia, hindi na ito nakapagsalita nang maayos. Paungul-ungol ito, at mainly eye contact ang kanilang komunikasyon.

Nagkakaintindihan sila, at naipadama ni Amalia kapag masaya siya.

Continue reading below ↓

“It’s more on touch and holding.

"Kasi, I’m the one who spends time with her... I lived with her in her house in New Manila.

"I was taking care of her," paliwanag ni Alfonso.

Sinu-sinong kapamilya ang kasama ni Amalia nang mamatay siya?

“Me, sina Tito Alex [Muhlach], my sister, my relatives... she was medyo... when her health was, I don’t want to say it, medyo alanganin na... of course, I called them,” malumanay na kuwento ni Alfonso.

“She had her final... I don’t know how you call it, is it final absolution? So, I called Fr. Arman.

“So, yeah, at least her family was there. We’re all together.”

FAMILY ISSUE

Naresolba ba ang mga alitan sa pamilya bago pumanaw ang kanyang lola?

Tugon ni Alfonso, “Of course. Of course. We’re all OK na.

Continue reading below ↓

"It’s just the heat of... alam mo naman si Lola, medyo passionate. Passionate. Passionate talaga!

“When Mama [Liezl] passed, she’s her only daughter, we all understood naman why...

“I never took it against her. Hello, she’s her only daughter.

"I know she’s my mom, but she’s her only daughter. I’ve always understood naman.

“We would never leave lola.”

Ang tinutukoy ni Alfonso ay ang paglalabas ng sama ng loob ni Amalia pagkatapos ng cremation ng kanyang anak na si Liezl noong March 16, 2015.

Sa cremation ceremony kasi ay hindi diumano in-acknowledge ng host na si Coney Reyes si Amalia at ang ama ni Liezl na si Bobby Vasquez.

Pakiramdam daw noon ni Amalia ay "they shut me off" mula sa buhay ni Liezl "because they wanted sila-sila."

Nagkaayos ang lola niya at ang dad niyang si Albert Martinez?

Continue reading below ↓

Ayon kay Alfonso, “Of course. Of course. Of course.

“Noong una, siyempre, nagselos lang si Lola before...

"Pero every time I’d see Lola, and she would watch Papa on TV, she was so happy.

“Parang... ‘If Albert’s doing well, that’s...’ Papa’s taking care of us and Mama, why wouldn’t be she happy for my dad?

“Ano lang yun ni Lola. She grew up in a different time.

"You know naman, that’s post-war, and your character has to be tougher.

“So, I always understood.

"Kaya nga kapag bad mood noon si Lola... sina Lolo Bobby at Tito Joey, ako ang ipinapadala. Ako ang naglalangis.

“Kasi, I understand lola naman, of course.

"Kung hindi ka mahal ni Lola, hindi ka niya aawayin, hindi ka niya papansinin,” napangiting lahad ni Alfonso.

Naniniwala si Alfonso na handa si Amalia na harapin ang Panginoong Lumikha.

Continue reading below ↓

“It’s been... it’s been... a hard couple of days. But... well, it’s life.”

FAVORITE GRANDSON

Si Alfonso ang favorite grandson ni Amalia.

“Kasi, ako lang yung lalaki!” natawang sambit ni Alfonso.

Katuwang ni Alfonso sa pag-aasikaso sa lamay ang nakababatang kapatid na si Alissa.

Ang ate nilang si Alyanna ay nakabase na sa Amerika, at hindi ito makakauwi.

“Her baby kasi is magtu-two [years old] na, kaya medyo alanganin... medyo magulo pa ‘yan,” sabi ni Alfonso.

Ikakasal si Alissa next week sa Canada. Plano nila noong isama roon ang kanilang Lola Amalia.

Ngayong Oktubre 7, Lunes, 1 P.M.-12 MN ang huling araw ng public viewing sa mga labi ni Amalia. May misa mamayang 7:30 P.M.

Ang interment ay sa Loyala Memorial Park, Marikina City bukas, Oktubre 8, Martes pagkatapos ng 8 A.M. Mass.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfonso Martinez on late grandmother Amalia Fuentes's feisty character: "Alam mo naman si Lola, medyo passionate. Passionate. Passionate talaga... Kung hindi ka mahal ni Lola, hindi ka niya aawayin, hindi ka niya papansinin."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results