Robin Padilla defends Phillip Salvador, Cesar Montano, other celebs who joined President Duterte in Russia

by Arniel C. Serato
Oct 7, 2019
Robin Padilla to bashers of fellow celebs Philip Salvador and Cesar Montano: "Mukha ba kaming walang pera? Pambihira naman kayo, o. May pera po kami at yung perang 'yan ay gift sa amin 'yan ng mga taong sumusuporta sa amin."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @sandraaguinaldo on Twitter

Umani ng batikos mula sa netizens ang mga artistang sumama kay President Rodrigo Duterte sa limang araw nitong state visit sa Russia, mula October 2 hanggang October 6.

Duda ng ilang netizens, taxpayers money ang ginamit ng mga ito sa kanilang pagliliwaliw sa ibang bansa kasama ang Pangulo at ang official delegation nito.

Pero depensa ng Malacañang, ang celebrities mismo na katulad nina Cesar Montano, Moymoy Palaboy, at Phillip Salvador ang gumastos sa kanilang biyahe papuntang Russia.

Pahayag pa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, “With regard to the showbiz [personalities] who are here, as far as I know, when they entertain the Filipino community while waiting for the arrival of the President, they are not paid.

“They have been doing that during the presidential campaign.

“They just happen to be genuine and rabid fans of PRRD [President Rodrigo Roa Duterte].

“As far as I know they spent for their own. They can afford to travel.”

Continue reading below ↓

ROBIN PADILLA DEFENDS CELEBRITY FRIENDS

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ni Phillip ang live video ni Robin Padilla, kung saan galit na galit ang action star sa mga bumabatikos sa mga kapwa artista na sumasama sa state visits ng Pangulo.

Pahayag ni Robin, “Kailangan kong ipagtanggol yung mga kaibigan ko, nagbabasa ako kanina, may mga nakikita ako diyan.

"Binabanatan niyo si Kuya Ipe, si Cesar Monatno, at si Moymoy bakit sila nasa Russia.

“At kung sasabihin ng mga bumabatikos na ito na yung mga kaibigan ay binili, nilibre ng pamasahe, hindi po totoo 'yan."

Pagtatanggol pa niya, “Kami ang bumibili ng pamasahe po namin.

"Ang mga hotel namin, ang nagbabayad niyan, kami.

“Mukha ba kaming walang pera?

“Pambihira naman kayo, o.

"May pera po kami at yung perang 'yan ay gift sa amin 'yan ng mga taong sumusuporta sa amin.

“At kapag pumupunta po kami sa abroad, kasama namin ang mahal na Pangulo, si SBG [Senator Bong Go] at ang gabinete, hindi naman po kami nakikisama sa kanila, sa kainan nila, sa kung saan-saan, hindi po.

Continue reading below ↓

“Sarili namin, walang kahit isang pulitiko ang tinanggapan namin ng kahit pera o pabor.

“May pera din kasi kami, si Kuya Ipe, may pera si Cesar.

"Si Moymoy Palaboy, napakagaling na entertainer niyan, hindi 'yan humihingi ng pera kahit kanino."

Iginiit ni Robin na sumasama raw sila sa mga lakad ni Pangulong Duterte upang magpasaya sa mga Pilipino na nasa ibang bansa.

“Nagpupunta kami, sumasama kami sa Presidente, hindi dahil sa kung anu-anong official business.

"Sumasama kami dahil para sa mga Pilipino, tandaan niyo po 'yan.

“Mga Pilipinong nandun sa Japan, sa Russia, kung saan saan kami napunta.

"Ini-entertain namin ang mga Pilipino na walang bayad.

“Naintindihan niyo yun? Sa mga bumabatikos sa mga artista na pumupunta sa abroad.

"Abono. Nilalahat 'yan, abono. Wala, singko? Wala.

"Nagsiserbisyo lang kami sa mga OFW [Overseas Filipino Workers] natin.

"Kasi yung mga OFW, yun ang mga tunay na bayani."

Continue reading below ↓

ROBIN DARES CRITICS

Kasunod nito, hinamon ni Robin ang kanilang mga kritiko na magpakitaan ng dokumento kung maayos ba silang nagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Buwelta niya, “Yung mga bumabatikos, kayo ba nagbabayad ng tax?

"Puwede ba tayo magyabangan bago niyo kami tirahin?

"Bago niyo tirahin si Kuya Ipe, bago niyo tirahin si Cesar, bago niyo tirahin si Moymoy, at ibang artista.

“Maglabasan nga tayo kung magkano ibinabayad natin sa tax?

"Hinahamon ko kayo, kahit kayong mga pulitiko na bumabanat sa amin, maglabasan nga tayo ng tax.

"Pakitaan tayo, kung sino sa atin ang sumusunod sa batas.

"Kung sino sa atin ang sumusunod sa patakaran sa Pilipinas."

Tuluy-tuoy na sabi ni Robin, "Babanatan niyo yung mga kaibigan ko, nagpupunta 'yan sa abroad para pagsilbihan ang mga Pilipino, 'tapos babanatan ninyo?

"Imbes na pasalamatan ninyo, walang bayad 'yan.

"Pambihira kayo, gumastos pa 'yan ng pamasahe nila, hotel pa nila 'yan. Pambihira.

"Masama ba kaming humahanga sa Presidente?

Continue reading below ↓

"Masama ba kaming sumaludo sa isang Presidente?

"Hindi masama, karapatan namin yun at pera namin yun.

"Wala kayong pakialam.

"Pambihira itong mga pambihira na ito."

Banat pa ni Robin, hindi naman daw sila mahirap na hindi kayang ma-afford ang pagbili ng tiket sa eroplano at hotel rooms.

"Akala, e, sila lang ang may pera.

"Yung pera namin galing sa legal, pinaghirapan namin.

"Minahal kami ng tao, pinanoood kami ng tao

"Hindi namin sila binola na iboto nila kami, hindi.

"Pambihira kayo, babanatan niyo."

Sa sumunod niyang pahayag ay direkta nang binanggit ni Robin ang "oposisyon" o mga kritiko ni Pangulong Duterte.

"Naku sorry, ha, ayoko kayong banatan kasi ayoko na talaga, ayoko na.

"Stress kayo sa akin, e, kayong oposisyon, stress kayo.

"Pero putragis, nanahimik yung mga kaibigan ko, babanatan ninyo?

"Pambihira, oo. Pasensiya na po."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla to bashers of fellow celebs Philip Salvador and Cesar Montano: "Mukha ba kaming walang pera? Pambihira naman kayo, o. May pera po kami at yung perang 'yan ay gift sa amin 'yan ng mga taong sumusuporta sa amin."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @sandraaguinaldo on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results