Vilma Santos seeks renewal of ABS-CBN franchise

by Arniel C. Serato
Oct 7, 2019
Lipa Lone District Representative Vilma Santos-Recto pushes for franchise renewal of broadcast giant ABS-CBN.
PHOTO/S: Mark Atienza / Noel Orsal

May anim na buwan na lamang ang natitira para sa franchise renewal ng broadcast giant na ABS-CBN, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin natatalakay sa Committee on Legislative Franchises ng Kongreso ang ilang panukalang batas ukol dito.

Sa Marso 20, 2020 nakatakdang mag-expire ang prangkisa ng Kapamilya Network.

May anim na panukalang batas ang nakahain sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso para sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Sa ulat ng inquirer.net ngayong araw, October 7, umaasa raw si Deputy Speaker Vilma Santos-Recto na magkaroon na ng diskusyon sa Kamara tungkol sa prangkisa ng network.

Matagal na naging bahagi ng ABS-CBN ang 65-year-old award-winning actress.

Pahayag ni Lipa Lone District Representative Santos-Recto, “Considering that we are in recess, I hope that when we go back this November, this will be subject for deliberation by the committee.”

Ayon kay Santos-Recto, naka-pending pa sa kumite ang kanyang inihaing panukalang batas na House Bill No. 4305.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “Just for the record, last 17th Congress, the same [was not] tackled by the committee.”

Ang chairman ng Committee on Legislative Franchises ngayong 18th Congress ay si Palawan First District Congressman Franz “Chicoy” Alvarez, na siya ring chairman ng kumite noong 17th Congress.

Bukod kay Santos-Recto, ang iba pang mga kongresistang naghain ng panukalang batas upang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN ay sina Pangasinan Representative Rose Marie "Baby" Arenas (House Bill 3521), Laguna Representative Sol Aragones (House Bill 3947), Nueva Ecija Representative Micaela Violago (House Bill 676), at Parañaque Representative Joy Myra Tambunting (House Bill 3713).

Sa Senado naman, ang asawa ni Santos-Recto na si Senator Ralph Recto ay naghain ng Senate Bill 981, na may kahalintulad ding layunin sa mga naisumiteng panukala sa Lower Congress.

NOT CALENDARED BY LAST CONGRESS

Noong 17th Congress, hindi rin inaksiyunan ng Committee on Legislative Franchises ng House of Representatives ang panukalang batas na House Bill 4349 ni Congresswoman Violago dahil daw sa tensiyong namagitan kay President Rodrigo Duterte at sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Hayagang binatikos ni Duterte ang ABS-CBN sa ilan niyang public speeches dahil daw sa panggagantso sa kanya ng network noong 2016 presidential elections.

Hindi raw kasi inere ng istayon ang kanyang political advertisement kahit bayad na.

November 2016 pa inihain ng mambabatas mula sa Nueva Ecija ang bill, ngunit nagsara ang 17th Congress na hindi ito tinatalakay.

Noong July 22, 2019 naman nagsimula ang 18th Congress.

Naka-break ngayon ang Kongreso at nakatakdang magbalik ang sesyon sa November 4.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nakadepende raw sa Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN at hindi sa Pangulo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lipa Lone District Representative Vilma Santos-Recto pushes for franchise renewal of broadcast giant ABS-CBN.
PHOTO/S: Mark Atienza / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results