Carlo Aquino on giving Angelica Panganiban false hopes: "Siguro"

by Jet Hitosis
Oct 8, 2019
In an interview on Tonight With Boy Abunda, Monday night, October 7, Carlo Aquino (right) admits that he is now in a relationship with model Trina Candaza. The actor even confirmed that Trina was the reason behind his falling out with ex-girlfriend Angelica Panganiban (left).
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram, Noel Orsal

“Siguro” ang maikling sagot ni Carlo Aquino sa tanong kung pinaasa nga ba niya si Angelica Panganiban na magkakabalikan sila.

Alanganin man si Carlo, 34, sa pag-amin sa isyung matagal nang ibinabato sa kanya, kinumpirma naman niyang may kinalaman ang modelong si Trina Candaza sa away nila ng ex-girlfriend.

Sa interview ni Boy Abunda kay Carlo nitong Lunes ng gabi, October 7, direkta ring kinumpirma ng aktor na girlfriend na niya si Trina.

Guest kagabi sa Tonight With Boy Abunda si Carlo, kasama si Maine Mendoza, para i-promote ang pelikula nilang Isa Pa With Feelings na showing na sa October 16.

Sa panayam, hiningan ni Boy ng reaksiyon si Carlo sa sinabi ni Angelica na hindi nag-e-exist ang aktor sa buhay ng 32-anyos na aktres.

Sabi ni Boy, “She said that hindi ka nag-e-exist sa kanyang buhay. My question is, when she said it, was she fair?”

“Opo,” sagot ni Carlo.

Continue reading below ↓

“Kung nasaktan ko siya, karapatan niya yun.

“Karapatan niyang pagdaanan, karapatan niyang maramdaman yun.

“Hindi ko dapat pigilan yun.

“Kaya nung sinabi niya yun, 'tapos nakarating sa akin, sabi ko, ‘Okay lang naman.’ Okay lang.”

Kasunod nito, direktang tinanong ni Boy si Carlo: “Pinaasa mo ba si Angge?”

Angge ang nickname ni Angelica.

Matagal na natigilan si Carlo bago nakasagot.

“Hindi ko… siguro po. Siguro,” tugon niya.

CARLO AND ANGELICA’S “ALMOST” RELATIONSHIP

Matatandaang unang bahagi ng 2018 nang umugong ang mga espekulasyon na posibleng magkabalikan ang teenage sweethearts na sina Angelica at Carlo.

Ito ay makaraan nilang isapubliko ang pagiging sweet sa isa’t isa, sa pagpapalitan ng sweet messages sa social media, at magkasama pang nagbiyahe sa Australia noong March 2018.

Pagsapit ng September, nagbida sina Angelica at Carlo sa pelikulang Exes Baggage.

Bandang November, isinama si Carlo sa cast ng pang-umagang teleserye ni Angelica sa ABS-CBN, ang Playhouse.

Continue reading below ↓

Magkasama ring nag-celebrate ng Pasko sina Angelica at Carlo nang taong iyon.

Pero pagsapit ng January 2019, kumalat online ang mga litrato ni Carlo habang kasama ang isang non-showbiz girl sa La Union, na kalaunan ay nakilalang si Trina.

Nang sumunod na buwan, sinabi ni Angelica na didistansiya na siya kay Carlo matapos siyang ma-bash ng fans ng aktor.

March ngayong taon nang aminin ni Angelica sa isang interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na disappointed siya kay Carlo, at matagal na silang hindi nag-uusap.

CARLO ADMITS FAULT, APOLOGIZES TO ANGELICA

Sa kanyang guesting kagabi sa Tonight With Boy Abunda, inusisa ni Boy kung ano ang tunay na nangyari sa pagitan nina Carlo at Angelica.

Sagot ni Carlo, “Hindi ko lang siguro po talaga kaya, Tito Boy, na… oo, mahal ko siya, pero parang mas gusto ko nang mas friends kami.

“Natatakot lang kasi talaga akong masaktan siya ulit.”

Continue reading below ↓

Paulit-ulit nang inamin ni Carlo sa mga naunang interview na may katuwirang magalit si Angelica sa kanya, dahil nasaktan niya ito, pero ilang beses na rin naman daw siyang nag-sorry sa aktres.

TRINA, THE REASON BEHIND CARLO-ANGELICA SPAT

Direktang tinanong ni Boy kung may kinalaman si Trina sa nasirang friendship nila ni Angelica?

“A, opo,” sagot ni Carlo.

“Kasi na-meet ko si Trina bago mag-start yung movie,” paliwanag ni Carlo, tinukoy ang Exes Baggage.

“'Tapos biglang hindi kami nagkita ng ilang buwan, 'tapos after nung movie nag-ano kami, reconnect.”

Narito ang interview ni Boy kay Carlo kagabi sa Tonight With Boy Abunda:

Sa birthday celebration ni Carlo nitong September 3, sa kauna-unahang pagkakataon ay kapwa sila nag-post ni Trina sa Instagram ng litrato nila na magkasama.

Sa kani-kanilang Instagram Stories, hawak ni Carlo ang birthday cake habang masuyong yakap si Trina, na nakayakap din sa kanya.

Continue reading below ↓

Ngayong inamin na ni Carlo si Trina, hinihintay naman ng mga sumusubaybay kina Angelica at Carlo na aminin na rin ng aktres ang relasyon sa 34-anyos na aktor na si Cholo Barretto.

Ilang buwan nang nali-link sina Angelica at Cholo, pero pareho nilang itinatangging may namamagitan sa kanila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an interview on Tonight With Boy Abunda, Monday night, October 7, Carlo Aquino (right) admits that he is now in a relationship with model Trina Candaza. The actor even confirmed that Trina was the reason behind his falling out with ex-girlfriend Angelica Panganiban (left).
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram, Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results