Is this Chie Filomeno's response to Dawn Chang's comments about GT?

by Bernie V. Franco
Oct 9, 2019
Chie Filomeno (left) posts this caption on Instagram "Do what you need to do to make you happy. EEEH EEEEH EEEEEE MO LANG SILA" a few hours after Dawn Chang (right) took a swipe at GT on It's Showtime.
PHOTO/S: Mark Atienza

Tila may patama si Chie Filomeno, 23, sa dating kagrupong si Dawn Chang, 30, matapos magpasaring ang huli tungkol sa nag-trending na performance ng GT noong August 2019.

Ang GT—dating kilala bilang GirlTrends—ay ang all-female group na nagpe-perform sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Bukod kay Chie, ang grupo ay kinabibilangan din nina Mica Javier, Joana Hipolito, Krissha Viaje, Mikee Agustin, at Sammie Rimando.

Naging miyembro rin ng GT si Dawn, na kilala bilang isang dancer, subalit nilisan niya ang grupo noong August 2019, ilang araw pagkatapos ng kontrobersiyal na dance performance ng grupo dahil hindi sila sabay-sabay.

DID CHIE JUST REACT TO DAWN’S JAB ABOUT GT?

Sa episode ng It's Showtime noong Lunes, October 8, isa si Dawn sa mga hurado ng dance contest segment na “Sampu-Sample.”

May mga pahayag si Dawn na ayon kay Vice Ganda ay tila pasaring sa GT dahil sa pinag-usapang production number ng grupo noong August, 2019.

Continue reading below ↓

Isa sa mga pahayag ni Dawn: “I can see the technique is there, gustung-gusto ko yun. Kasi ang pagsasayaw, hindi lang puro hataw, kailangan may technique. Hindi tayo puro awra, di ba?”

May mga sumunod pa siyang pahayag na tila tumutukoy sa pagkakamali ng mga dating kagrupo.

Kahapon din, sa online segment ng ABS-CBN noontime show, pinag-usapan nina Dawn at Hashtags members Ryle Santiago at Luke Conde ang mga makahulugang komento ni Dawn sa “Sampu-Sample.”

Ani Luke, “Narinig namin kanina nung sinabi mo yung 'point your toes,' nagtinginan kami ni Ryle.

“Galit na galit talaga siya kapag hindi naka-'point your toes,’" pagtukoy ni Luke kay Dawn.

Paliwanag ni Dawn, nagbibigay lamang siya ng kaalaman sa ibang tao para matuto ng tamang pagsayaw.

“Ito naman ay para sa mga taong gustong matuto.

“Kung ayaw matuto, e, di okay lang. And then, kung gusto mo, o, eto, libre.”

Continue reading below ↓

Tinukso ni Ryle si Dawn na ipakita sa kanila ang tamang steps ng dance number na isinayaw noon ng GT sa saliw ng kantang “How Do You Sleep” ni Sam Smith.

Sagot ni Dawn, “Bukas. Isu-sure ko lang… dapat kasi nagri-rehearse, yung eye for detail, dapat ganoon.

“Para pag nag-eeeee, eeeeee tama ako.

“Ayokong mag-trending! Ha-ha-ha!

“I don’t wanna trend for the wrong reasons.”

Banat ni Ryle, "Pagkatapos mangyari yun, tinanong ko sila [GT] isa-isa, ‘Kamusta tulog niyo?"

Sundot ni Dawn, "Kasi nga, 'How Do You Sleep.'”

Ilang oras pagkatapos ng mga eksenang ito sa It’s Showtime, nag-post si Chie sa Instagram ng kanyang rehearsal video ng sayaw kasama ang iba pang dancers.

Makahulugan ang caption ni Chie, kung saan binanggit niya ang ilang kataga mula sa naging pahayag ni Dawn sa Showtime Online.

Ani Chie: “All set. Don’t let people stop you from doing what you love most.

Continue reading below ↓

"Do what you need to do to make you happy.

"EEEH EEEEH EEEEEE MO LANG SILA. Hahaha char! (smile, heart emojis)”

Bukod sa pagiging dating magkagrupo, nagkaroon din ng alitan noon sina Chie at Dawn.

Sa episode ng Tonight With Boy Abunda noong April 4, 2019, inamin ni Chie na nagkaroon siya ng away kay Dawn at isa pang dating kagrupo na si Erin Ocampo dahil umano sa backstabbing.

Continue reading below ↓

Ayon kay Chie, sinisiraan siya noon ng dalawang dating kagrupo kapag siya ay nakatalikod.

Pero naayos naman daw kalaunan ang hindi nila pagkakaunawaan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chie Filomeno (left) posts this caption on Instagram "Do what you need to do to make you happy. EEEH EEEEH EEEEEE MO LANG SILA" a few hours after Dawn Chang (right) took a swipe at GT on It's Showtime.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results