Agot Isidro takes high ground to bury Carlos Celdran haters

by Bernie V. Franco
Oct 9, 2019
Agot Isidro fires back at netizen who asked, "Ms. Agot kelan ka po susunod kay carlos?" (Photo by Noel Orsal)

Dahil sa pagtatanggol sa pumanaw na cultural activist at performance artist na si Carlos Celdran, umani ng pambabatikos sa Twitter ang actress-singer na si Agot Isidro, 53.

Ang pinakamatindi ay nang may isang basher ang nagtanong kay Agot kung kailan siya susunod kay Celdran.

Pumanaw si Celdran nitong Martes, October 8, dahil sa “natural causes.” Siya ay 46 taong gulang.

Sa kabila ng kanyang pagpanaw, may ilang netizens pa ring pumuna kay Celdran dahil sa pagiging masugid na kritiko nito ng kasalukuyang administrasyon.

Ipinagtanggol naman siya ni Agot, na kilala rin sa pagiging kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Depensa ni Agot laban sa mga netizen na nangba-bash pa rin sa yumaong cultural activist: “RESPETO naman sa pamilya at mga mahal nang namatayan.

“You may not like what he did or how he did it, pero huwag naman tayong bastos.”

Continue reading below ↓

Isang netizen naman ang nag-tweet ng ganito: “Ms. Agot kelan ka po susunod kay carlos hehe”

Ibinalik ng aktres sa netizen ang masamang biro nito.

Witty na sagot ni Agot: “When you’ve seen the light, sweetie. When you’ve seen the light. (wink emoji)”

Samantala, dahil sa pagtatanggol ni Agot kay Celdran ay umani rin siya ng pambabatikos mula sa ilang netizens.

Continue reading below ↓

Karamihan sa mga nagkomento ay malinaw na tagasuporta ng administrasyon:

Continue reading below ↓

ANALYST BASHED FOR DEFENDING CARLOS CELDRAN

Samantala, ipinagtanggol din ng academic, political analyst, at columnist na si Richard Heydarian si Celdran sa mga pambabatikos sa social media.

Sunud-sunod ang mga tweet ni Richard:

Continue reading below ↓

Bunsod nito ay may mga bumatikos din kay Richard, na co-host ni Atom Araullo sa GMA online news program na Stand Up For Truth.

Gayunpaman, hindi pa rin siya napigilang ipagtanggol si Celdran.

Nag-tweet pa siya upang ipanawagan kay Manila Mayor Isko Moreno na bigyang parangal si Carlos sa kontribusyon nito sa lungsod ng Maynila.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agot Isidro fires back at netizen who asked, "Ms. Agot kelan ka po susunod kay carlos?" (Photo by Noel Orsal)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results