Markus Paterson reveals he got jealous of Joshua Garcia

by Bernie V. Franco
Oct 10, 2019
Markus Paterson (left) admits to getting jealous of Joshua Garcia (right) for being the leading man of Janella Salvador (center) in The Killer Bride. Markus and Janella are rumored to be in a relationship.
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni Markus Paterson na pinagselosan niya si Joshua Garcia dahil sa pagiging leading man nito kay Janella Salvador sa ABS-CBN prime-time series na The Killer Bride.

Napapaulat na mayroon nang relasyon sina Janella, 21, at Markus, 21, bagamat wala pa silang direktang kumpirmasyon.

Depensa naman ni Markus, natural lang na makaramdam siya ng pagseselos.

“Nung una, yes, of course, that’s a natural thing,” sagot ng Filipino-British actor sa guest appearance niya sa Kapamilya late-night entertainment talk show na Tonight With Boy Abunda, October 10, Miyerkules.

Sabi pa ni Markus, alam ni Janella na pinagselosan niya si Joshua, 22.

“She knows, like, when I saw [the scene], alam mo yung unang feeling na konting selos na butterflies, na parang…

“But when you think about it, when I thought about it, it’s work.

"And they’re really good at what they do, and they can create a chemistry just like that, 'coz they’re friends already.

Continue reading below ↓

"And Josh is a great guy.”

Dagdag ni Markus, “Sobrang silang dalawa mahusay na artista. The chemistry is great.”

Idinugtong naman ng host na si Boy Abunda na nakaramdam siya ng kilig sa tambalan nina Joshua at Janella sa teleserye.

Pagsang-ayon ni Markus, “Kahit ako now.

"But not before,” aniya pa dahil nagselos nga raw siya.

MARKUS OPENS UP ABOUT TALK WITH JANELLA’S DAD

Nagkuwento rin si Markus tungkol sa pagdalo niya sa birthday party ng ama ni Janella, ang singer na si Juan Miguel Salvador, noong September 29, 2019.

Sabi ng binata, hindi iyon ang unang pagkikita nila ng seasoned singer.

Kumusta ang relasyon niya sa ama ni Janella?

“Good. We get along because of music, and he’s so kind,” sagot ni Markus.

Inusisa rin si Markus kung may ibinilin ba sa kanya si Juan Miguel pagdating sa anak nito.

Continue reading below ↓

“Well, he only ever talked to me about Janella once.

“The only time he talked to me about Janella was, he said, ‘Janella needs good people in her life right now, I hope you know that.’

"I said, ‘Of course, I’ll do my best.'"

Ang ipinangako raw ni Markus ay “to make sure the people around her are good.”

MARKUS KEEPS MUM ABOUT REAL SCORE WITH JANELLA

Umiwas naman si Markus na ibunyag ang totoong estado ng relasyon nila ni Janella.

“What we have is between us and we wanna keep it that way, obviously, because she said she didn’t want to have a relationship with the rest of the world and she experienced that.

“I wanna respect her what she wishes to, so I’m not gonna say anything or to confirm or deny it,” saad ng binata.

Continue reading below ↓

Ang huling nakarelasyon ni Janella ay si Elmo Magalona.

Hindi naging maganda ang ang paghihiwalay nila, at inakusahan pa ni Janella si Elmo ng pisikal na pananakit.

Binanggit naman ni Boy na bilang public figure, sa ayaw at sa gusto ng mga artista ay mayroon silang “relationship with the world.”

Paglilinaw ni Markus, “We’re not hiding, we don’t hide from anyone.

“Right now, it’s just not the right time fo anything.

“She’s very successful with the show and that should keep going.”

Sabi pa ng binata, “There’s always a right time for everything and I’m a strong believer in that.”

Nang tanungin naman ni Boy kung anong pangalan ng babaeng nakasulat sa kanyang puso, sagot ni Markus: “Janella.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markus Paterson (left) admits to getting jealous of Joshua Garcia (right) for being the leading man of Janella Salvador (center) in The Killer Bride. Markus and Janella are rumored to be in a relationship.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results