Mika dela Cruz posts romantic birthday message for boyfriend Nash Aguas

by Bernie V. Franco
Oct 10, 2019
In her Instagram account, actress Mika dela Cruz (left photo, left) posts a romantic birthday greeting for boyfriend Nash Aguas. The Kapuso actress also attached throwback photos with Nash.
PHOTO/S: @mikadlacruz on Instagram

Punung-puno ng pagmamahal ang birthday greeting ni Mika dela Cruz, 20, para sa kanyang boyfriend na si Nash Aguas.

Ipinagdiriwang ni Nash ang kanyang ika-21 kaarawan ngayong Huwebes, October 10.

Via Instagram, ibinahagi ng Kapuso actress ang birthday greeting niya para sa nobyo, na isang Kapamilya.

Kalakip nito ang mga larawan nila ni Nash, kabilang na ang kanilang throwback photos.

MIKA’S TOUCHING MESSAGE FOR NASH

Pinuri ni Mika ang boyfriend sa mensahe niya para rito.

“This amazing guy right here just turned 21,” bungad ng dalaga.

“words aren’t enough to express how proud i am of him. he deserves all the good things he has in his life right now.

"adored him the first time i met him.. adore him even more now that i got to know him all over again (2nd time around)"

Nagpasalamat din ang aktres kay Nash dahil napapasaya raw siya nito at nagsisilbing sandigan niya.

Continue reading below ↓

“i can’t thank GOD enough for giving me you.

"i am soo excited for everything GOD has in store for you, nget. GREAT THINGS are coming your way & i couldn’t be more happy for you!!

"you are a very good person. you have the purest heart.

"thank you for making me so so happy. thank you for being my rock.

"thank you for being my safe zone but at the same time my adventure.

“thank you being my bestest friend. most of all thank you for bringing me closer to GOD.”

Patuloy ni Mika, “promise me one thing, please just be happy

“please keep laughing. i love how genuine your laugh is. i think it’s the best thing about you

“never lose it!

“thank you for your existence.

“happy birthday, love!

THEIR LOVE STORY

Sa kanyang Instagram post noong November 2018, ikinuwento ni Nash kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Mika, at kung paano ito nauwi sa relasyon pagkalipas ng maraming taon.

Continue reading below ↓

Taong 2007 nang magkakilala at magkatrabaho ang dalawa sa dating kiddie gag show ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit.

Nang pumunta si Nash sa U.S. noong 2012 ay nawalan ng komunikasyon ang dalawa.

Pagbalik ni Nash sa Pilipinas ay lumipat naman si Mika sa GMA Network, at nagkaroon ng ibang ka-love team si Nash sa katauhan ni Alexa Ilacad.

Nag-reconnect sina Mika at Nash noong August 2017, nang magkasalubong sa isang mall sa Quezon City.

Dito ay itinuluy-tuloy na ni Nash ang panliligaw kay Mika.

Hanggang sa sagutin siya ng dalaga noong October 20, 2018.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her Instagram account, actress Mika dela Cruz (left photo, left) posts a romantic birthday greeting for boyfriend Nash Aguas. The Kapuso actress also attached throwback photos with Nash.
PHOTO/S: @mikadlacruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results