Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Nash Aguas chronicles love story timeline with girlfriend Mika dela Cruz

by Rachelle Siazon
Nov 13, 2018
Nash Aguas, buong pagmamalaking ikinuwento ang love story nila ni Mika dela Cruz na 11 years in the making: "Sa bandang huli, sya din pala ang bubuo sa akin."

Humigit-kumulang 11 years in the making ang love story ng magkasintahang Nash Aguas, 20, at Mika dela Cruz, 19.

Sa kanyang series of Instagram posts kagabi, November 12, tila hindi pa rin makapaniwala si Nash na girlfriend na niya si Mika.

Magkasabay silang lumaki sa ABS-CBN weekly gag show na Goin' Bulilit.

Tandang-tanda pa ni Nash na crush na crush na niya si Mika noong 2007 pa lang.

Nine years old pa lang noon si Nash at eight years old si Mika.

Ipinakita ni Nash ang larawan kung saan nakaakbay siya kay Mika habang nakaturo siya sa kung saan.

Bata pa lang daw sila ay sinubukan nang pormahan ni Nash si Mika.

Balik-tanaw ni Nash: "Paborito ko tong picture na to eh. Sa Wowowee to (around 2007), sumayaw tayo nyan ng opening prod.

"Tapos nung nag commercial gap na, may tinuturo ako sa taas tapos sinasabi ko 'dyan dati nagtrabaho si mommy.'

Continue reading below ↓

"Hindi talaga dun nagtrabaho si mommy.

"Sinabi ko lang yun para may mapagusapan tayo tsaka para ma akbayan kita [laughing emoji].

"Eh wala eh. 'Crush' kita nun eh.

"Tapos kinapalan ko na yung mukha ko sa mga sumusunod."

IMAGE @zackwey Instagram
Continue reading below ↓
Recommended Videos

MISS TARAY, FIRST RESPONDER

Hindi raw dito nagtapos ang pagpapapansin ni Nash kay Mika.

Continue reading below ↓

Mula sa pagbubuhat ng bag ni Mika hanggang sa pag-aktong first-responder kahit maliit pa sa langgam ang sugat ng dalagita.

Pero hindi raw ito umuubra kay Mika, na madalas tarayan si Nash noon.

"Tapos kinapalan ko na yung mukha ko sa mga sumusunod.

"Inaagaw ko noon sa GB Cruise yung backpack mo tapos ako magdadala kasi parang may hollow blocks sa bigat kung magimpake si tita. Pero tinatarayan mo ako."

IMAGE @zackwey Instagram
Continue reading below ↓

"Nagpapicture ako sayo noon sa Forbidden City sa GB China tapos takang taka ka. Kasi gusto ko gayahin natin yung pose ni Jayden smith at nung partner nya sa Karate Kid.

"Tinatarayan mo pa din ako."

Narito ang kuha nila sa Forbidden City, isang tourist destination sa China:

IMAGE @zackwey Instagram
Continue reading below ↓

Dagdag ni Nash tungkol sa pagpapa-cute niya kay Mika, "Tapos kapag games ng Goin Bulilit, nagkaroon ka lang ng maliit na sugat hihilahin kita ng di ako nagsasalita (mala goo jun pyo) tapos lalagyan kita ng betadine at band aid kahit mas malaki pa yung langgam sa sugat mo."

Nakahanap pa si Nash ng "ebidensiya" o pictures ng "pagtataray" sa kanya ni Mika noon.

IMAGE @zackwey Instagram
Continue reading below ↓

Hindi rin daw malilimutan ni Nash ang panahong naging malapit na magkaibigan sila ni Mika, pati na rin ang kanilang mga ina na todo ang suporta sa kanilang showbiz career.

"Hanggang naging magkaibigan na tayo (SA WAKAS pero mataray ka padin sakin) lagi tayo naglalaro ng Crossfire kasama si kuya Philip.

"Pupunta tayo kasama sila mommy sa trinoma maglalaro sa timezone.

"Tapos nung karon ng soap na parehas tayong young doon.

"Magsleep over kami ni mommy dun sa kwarto mo na punong puno ng libro about witchcraft (mangkukulam levels) tapos sabay tayo pupunta dun sa location. (taga cavite ho kasi ako dati). Hay.

"Ilan lang to sa mga pinagdaanan namin.

"Pero nagsimula lahat dahil naglakas ako ng loob na umakbay."

IMAGE @zackwey Instagram
Continue reading below ↓

LOST IN TOUCH

Aminado si Nash na hindi nagbunga ang pagpapa-cute niya kay Mika noon.

Lalo na nang grumadweyt sila sa Goin' Bulilit at nagbinata at nagdalaga.

Lahad ni Nash, "Tapos nun, nagpunta ako ng US. (2012)

"Nawalan ng communication

"Pagbalik ko, awkward na kasi di na kami bata. Ang dami din nangyari.

"Lumipat sya ng ibang station.

"Tapos nag move on na kami sa kanya kanya naming buhay."

Sa aspeto ng kanilang showbiz career, naging abala si Nash sa sariling ka-love team sa ABS-CBN.

Si Mika naman ay lumipat sa GMA-7 noong latter part ng 2016.

Sino ba naman daw ang mag-aakalang pagtatagpuin pa ulit sila ng tadhana.

Kuwento pa ni Nash, dumaan siya sa matinding pagsubok na ikinapanghina ng kanyang loob.

Hindi tinukoy ni Nash kung ano ito.

Pero sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 2017, inamin ni Nash na hiwalay na ang kanyang mga magulang dahil sa madalas na pananatili ng ama sa U.S.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Patuloy ni Nash, "Tapos fast forward noong Dec 2016-Aug2017 (itong part na to alam to ni @igiboyflores31 kasi parehas kaming sawi that time HAHAHA)

"Ito yung mga panahon na sobrang down ako. Durog yung confidence ko. Durog yung pagkatao ko.

"Lagi kaming magkasama ni @igiboyflores31 tapos iyakan lang kami ng iyakan HAHA!"

THE REUNION

Pero pagkatapos ng pinagdaanang lungkot, tadhana raw ang nagbigay-daan upang magbalik sa buhay ni Nash si Mika noong August 2017.

Sabi ni Nash, "Tapos aug 2017, parang magic na nakasalubong namin ni mommy, sya at si tita sa Trinoma. Tapos dumating sila @nikkibagaporo @falcofretzie @dori_cel... Tapos ayun."

By this time, nasa tamang edad na sila—19 na si Nash at 18 years old naman si Mika.

Hindi na raw pinalampas ni Nash ang pagkakataong ligawan ang Kapuso actress.

IMAGE @zackwey Instagram
Continue reading below ↓

Sa panayam ng PEP.ph noong October 26, inamin ni Nash na hiwalay na sila ng ka-mutual understanding niyang si Alexa Ilacad nang magsimula niyang ligawan si Mika.

Lubos daw ang kasiyahan ng Kapamilya actor nang pinayagan siyang manligaw kay Mika ng nakatatanda nitong kapatid na si Angelika dela Cruz.

Isang taon daw niyang sinuyo si Mika, hanggang sa sinagot siya ng dalaga noong October 20, 2018.

Aminadong napahagulgol daw si Nash sa sobrang tuwa nang matanggap ang 15-page love letter mula kay Mika.

Dagdag ni Nash sa kanyang series of Instagram posts, "Sa bandang huli, sya din pala ang bubuo sa akin."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nash Aguas, buong pagmamalaking ikinuwento ang love story nila ni Mika dela Cruz na 11 years in the making: "Sa bandang huli, sya din pala ang bubuo sa akin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results