Karla Estrada posts photos of Coron rendezvous with rumored boyfriend

by Arniel C. Serato
Oct 10, 2019
Karla Estrada and rumored non-showbiz boyfriend get cozy at their Coron, Palawan vacation.
PHOTO/S: Courtesy: Karla Estrada on Facebook

Sinulit ni Karla Estrada, 44, ang ilang araw na bakasyon kasama ang mga kaibigan sa Coron, Palawan, nitong mga nakaraang araw.

Ngunit ang labis na nakaagaw ng pansin ng netizens ay ang lalaking kasama ng Magandang Buhay host.

Pinaniniwalaang ito ang rumored boyfriend ni Karla.

Sa mga larawang ibinahagi ni Karla sa kanyang Instagram at Facebook accounts kahapon, October 9, makikitang palaging magkadikit si Karla at ang hindi pa rin niya pinapangalanang nobyo.

Continue reading below ↓

“HAPPY LIFE”

Sa isa pang post, isa sa mga hashtag na isinulat ni Karla ay “happylife,” na tila sumasalim sa nararamdaman niyang kaligayahan ngayon.

Sabi niya sa caption sa larawan nilang dalawa ng non-showbiz guy: “God’s amazing creation.. #enchantingcoron #bananaisland #happylife.”

Continue reading below ↓

Kaagad naman itong pinusuan ng celebrity friends ni Karla katulad nina Sunshine Cruz, Dominic Roque, Vina Morales, at Camille Prats.

Noong August 16 unang namataan ng netizens si Karla kasama ang kanyang rumored boyfriend.

Pagkalipas ng ilang araw, nag-post si Karla ng larawan ng non-showbiz guy ngunit wala siyang inilagay na caption.

Continue reading below ↓

Giit ni Karla sa mga panayam, nais niyang gawing pribado ang kanyang buhay pag-ibig.

2017 huling nagkaroon ng karelasyon si Karla sa katauhan ni Mark Yatco.

Ngunit tinuldukan nila ang kanilang long-distance relationship dahil kailangan ng lalaking manirahan sa U.S. para maalagaan ang dalawang anak nito doon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada and rumored non-showbiz boyfriend get cozy at their Coron, Palawan vacation.
PHOTO/S: Courtesy: Karla Estrada on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results