Roxanne Barcelo refuses to watch last video with late father

by Jet Hitosis
Oct 10, 2019
Roxanne Barcelo tearfully admits that she can't bring herself to watch her last video with her father who passed away last June.
PHOTO/S: ABS-CBN / Instagram

Sinabi ni Roxanne Barcelo na hindi pa niya kakayanin kaya sinasadya niyang huwag panoorin ang huling video na ginawa nila ng kanyang ama, ilang linggo bago ito pumanaw.

“Nakaisang episode pa kami nung two weeks bago sila pumunta ng States,” kuwento ni Roxanne, tinukoy ang video na ginawa nila ng amang si Tony Barcelo.

“Hindi ko pa nga mapanood,” nabasag ang boses na patuloy ni Roxanne.

“Ayokong panoorin,” aniya, at tuluyan nang napaiyak.

Sa kanyang pagkakapanalo bilang “Tawag ng Tanghalan” Champion of the Day sa It’s Showtime kahapon, October 9, nabanggit ni Roxanne na inspirasyon niya ang ama sa pagbabalik niya sa singing.

Ito raw kasi ang nag-engganyo sa kanyang balikan ang pagkanta, eksaktong isang buwan bago ito namatay.

June 30 ngayong taon nang pumanaw ang ama ni Roxanne habang nasa Amerika.

HER DAD WANTED HER TO SING AGAIN

Kuwento ng 34-anyos na actress-singer, “May 30 siya nag-text sa akin.

Continue reading below ↓

“Mahaba yung text niya, pero sabi niya, ‘Kumanta ka na, anak.’ 'Tapos capital letters, ‘SAYANG NAK,’ sabi niyang ganun.

“Sabi ko, ‘Paano ba ako kakanta?’ Parang ang hirap naman na planuhin. Hinayaan ko lang.

“'Tapos, June 30 nung… namatay siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Roxanne sa press conference ng pelikulang The Art of Ligaw, na pinagbibidahan nina KZ Tandingan at Epy Quizon.

Ginanap ang presscon ngayong Huwebes, October 10, sa Quezon City, para sa pelikula, na showing na sa November 13, sa direksiyon ni Jourdan Sebastian.

Dagdag-kuwento pa ni Roxanne, habang nakaburol ang kanyang ama ay ginagawa niya ang pelikulang The Panti Sisters, na kabilang sa entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) nitong August.

“After ng wake niya, dire-diretso na yung trabaho—Panti, #G Tropa, Love Is Love.

“Nagsimula na rin kaming mag-look test ng Bea soap,” aniya, tinukoy ang wala pang titulo na bagong teleserye ng ABS-CBN, na pagbibidahan nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Roxanne, “Parang naano yung utak ko, parang nakaligtaan ko na yung pangako ko kay Padir.”

ROXANNE’S TAWAG NG TANGHALAN STINT

Ayon kay Roxanne, nang imbitahan siya para mag-perform sa It’s Showtime ay sinabi sa kanyang kakanta lang siya.

“Naku, parang hindi ko yata kayang tumawid kahit na isang kanta,” aniya, tinukoy ang pagluluksa pa rin niya sa ama.

“'Tapos sabi nila, ‘For your father.’

“Naku, nung ginanun ako, sabi ko, parang yung puso ko nag-crack, nag-break, 'tapos nabuo ulit. 'Tapos nag-crack, nag-break…

“Sabi ko, ‘Sige, for the tawid lang.’ Paisa lang.

“Hindi ko iniisip na competition, or kahit na anong ganyan.”

Sinabi ni Roxanne na 13 years old pa lang siya ay sumasali na siya sa mga singing competition, at hindi niya na nakikita ang sarili na kumakanta uli para makipag-compete, lalo na dahil acting ang prioridad niya ngayon.

Taong 1997, at 13 anyos si Roxanne, nang maging runner-up siya sa Metropop Star Search ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Gayunman, sa kanyang on-and-off showbiz career ay paggawa na ng mga pelikula at teleserye ang pinagtuunan ni Roxanne.

Kahapon, nang tanghalin siyang Champion of the Day sa TnT dahil sa mahusay na bersiyon niya ng "Somewhere Over the Rainbow," na-realize ni Roxanne na “hindi na inabutan” ng kanyang ama ang katuparan ng pangarap nito.

Sa kabila nito, sinabi ni Roxanne na “malaki ang pasasalamat” niya sa It’s Showtime dahil ito ang naging daan upang matupad niya ang pangarap ng ama para sa kanya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roxanne Barcelo tearfully admits that she can't bring herself to watch her last video with her father who passed away last June.
PHOTO/S: ABS-CBN / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results