Keempee de Leon moves on from unresolved issue with Eat Bulaga!

by Bernie V. Franco
Oct 11, 2019
Keempee de Leon on his unresolved issue with Eat Bulaga: "I guess pabayaan mo na lang—let go and move on. Kumbaga, look forward for the brighter opportunities."
PHOTO/S: Noel Orsal

Buo ang paniniwala ni Keempee de Leon, 46, na tama ang desisyon niyang lumipat sa ABS-CBN matapos ang maraming taong pananatili sa GMA Network.

Sa finale presscon ng daytime drama series na Nang Ngumiti Ang Langit nitong October 10, Huwebes, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor.

Diretsong tanong sa kanya: tama ba ang kanyang desisyong lumipat sa ABS-CBN?

Sagot ni Keempee, “Yeah, kasi at the end of the day, it’s about yourself, e, di ba?

“Sarili mo pa rin magde-decide.

“Kumbaga, if you feel na talagang it’s good for you, everything’s a risk talaga, e, di ba?

“Ako naman, I’ve been here for quite some time, way back in 2000.

"So ngayon lang, after 16 years, ako nakabalik.

“Very thankful and blessed lang ako.”

October 2018 nang ianunsiyo ang pagbabalik ni Keempee sa Kapamilya Network, kasabay ang pagkakabilang niya sa ngayon'y ongoing daytime teleserye na Nang Ngumiti Ang Langit.

Continue reading below ↓

Early ‘90s hanggang early 2000 ay nagtrabaho sa ABS-CBN si Keempee.

Nakagawa siya ng Kapamilya shows, kabilang na rito ang Mana-Mana (1992) at Klasmeyts (2002).

Bago bumalik sa ABS-CBN, ang huling proyekto ni Keempee sa GMA-7 ay ang Meant To Be (2017).

STILL NO CLOSURE WITH EAT BULAGA!

Hindi naman itinago ni Keempee na ang isang dahilan ng paglipat niya sa ABS-CBN ay dahil sa pagkakatanggal niya sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga!, kung saan naging host siya ng 14 taon.

Kuwento ni Keempee noon, nagpaalam siya nang maayos sa Eat Bulaga! na gagawa muna siya ng teleserye kaya hindi muna siya makakapag-report bilang host.

Pinayagan daw siya ng management at napagkasunduang babalik siya sa show pagkatapos ng teleserye.

Subalit nang matapos ang Meant To Be noong June 2017, hindi na raw siya binalikan ng management ng noontime show para mag-host uli.

Bunsod nito, dumaan daw sa depression si Keempee.

Hindi rin niya itinagong nagkaroon siya ng tampo sa management ng Kapuso noontime show.

Continue reading below ↓

Pero nasagip daw siya dahil sa pagdating ng offer na gumawa ng teleserye sa ABS-CBN.

Hindi na raw nagkaroon pa ng pakikipag-usap si Keempee sa management ng Eat Bulaga.

Pero nagpapasalamat na rin daw siya sa nangyari.

Pahayag ni Keempee sa presscon kahapon, “Actually, wala nang closure or pag-uusap or anything…

“It’s just that I just had to let go.

“Kumbaga, hindi ako makaka-move on if nandun lang ako sa area na iyon.

“So, I guess, I just have to be thankful about it na kung hindi rin siguro dahil sa nangyari na iyon, hindi ko rin matatanggap ang show na ito na nagbukas ng bagong pinto para sa akin, hindi lang sa personal, but sa career ko.

"So, thankful na lang ako. Kumbaga, pinasa-Diyos ko na lang.”

Nag-let go na ba siya sa isyu niya sa Eat Bulaga?

“Yes. Everything happens for a reason, I guess. Yun na lang talaga.”

Continue reading below ↓

Naka-let go at naka-move na siya kahit walang closure?

"Yes, I do. I do," tugon ni Keempee.

“And I’m very much happy right now, kasi ang hirap kung lagi ka lang nandoon, magmumukmok ka, iisipin mo.

“I guess pabayaan mo na lang—let go and move on.

“Kumbaga, look forward for the brighter opportunities.”

Sa ngayon ay wala pa raw kasunod na project na gagawin si Keempee sa ABS-CBN pagkatapos ng Nang Ngumiti Ang Langit.

“Wala pang follow-up, pero I’m praying na sana may next project.

“I guess I’ll just gonna wait.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keempee de Leon on his unresolved issue with Eat Bulaga: "I guess pabayaan mo na lang—let go and move on. Kumbaga, look forward for the brighter opportunities."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results