Claudine Barretto's IG followers ask Gretchen to visit sick father

by Jet Hitosis
Oct 13, 2019
Claudine Barretto's Instagram followers ask her sister Gretchen Barretto to visit their ailing father, Miguel Barretto, who has been confined in a hospital for more than a week now.
PHOTO/S: @gretchenbarretto, @claubarretto on Instagram

Nanawagan ang netizens kay Gretchen Barretto na dalawin ang kanyang ama na mahigit isang linggo nang naka-confine sa ospital.

Ito ang bumuhos na apela ng mga Instagram followers na nagkomento sa huling update ni Claudine Barretto, kapatid ni Gretchen, tungkol sa lagay ng amang si Miguel Barretto.

Nakaratay pa rin sa St. Lukes Medical Center si Miguel mula nang magkasakit ito matapos mag-celebrate ng kanyang 82nd birthday noong nakalipas na linggo.

Sa bahay ng isa pang anak na si Marjorie Barretto nagdiwang ng kaarawan si Miguel nitong September 29, pero nang gabing iyon, matapos ang celebration, ay isinugod siya sa ospital.

Kahapon, October 12, sa huli sa serye ng posts ni Claudine tungkol sa pagkakaospital ng ama, ibinahagi niya ang litrato nito habang nasa hospital bed kasama ang matalik na kaibigang si Tony Syap.

Ayon kay Claudine, 70 taon nang magkaibigan sina Miguel at Tony—na piniling magdiwang ng birthday kasama ang may sakit na kaibigan.

Continue reading below ↓

Caption ni Claudine (published as is): “Best friends since Grade school. 70years of friendship that u can only pray for.

“was not going to post this but my Dads face lit up when his bff Tito TONY SYAP spent his birthday with my Dad.thank u Tito Tony. #huckleberryfriend.”

CLAUDINE’S FANS AS PRAYER WARRIORS

Gaya ng dati, maraming followers ni Claudine ang nagpaabot ng maikling dasal at hiling na sana ay bumuti na ang lagay at tuluyan nang gumaling ang ama ng aktres.

Nagpasalamat naman si Claudine sa mga tuluy-tuloy na nananalangin para sa paggaling ng kanyang ama.

Continue reading below ↓

Ilang netizens din ang nagtanong kay Claudine kung nadalaw na ba ni Gretchen ang kanilang ama.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Walang sagot si Claudine sa pag-uusisa ng kanyang followers tungkol kay Gretchen.

Wala ring reaksiyon si Gretchen sa post ng bunsong kapatid at tanong ng mga Instagram followers ni Claudine.

NETIZENS ASK GRETCHEN TO VISIT FATHER

Ilang netizens ang direktang tinag si Gretchen upang bisitahin ang ama sa ospital.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ilan din sa followers ni Claudine ang nakiusap sa aktres na kumbinsihin si Gretchen o kaya ay mamagitan upang matapos na ang mga iringan sa kanilang pamilya alang-alang sa kanilang ama.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Hindi lingid sa marami na matagal nang may alitan si Gretchen at kanyang mga magulang na sina Miguel at Estrella "Inday" Barretto.

May alitan din sina Gretchen at Marjorie.

Sina Gretchen at Claudine ay muling magkaayos Pebrero ngayong taon.

Bukas ang website na ito sa reaksiyon o pahayag ni Gretchen sa panawagan ng mga fans ni Claudine.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto's Instagram followers ask her sister Gretchen Barretto to visit their ailing father, Miguel Barretto, who has been confined in a hospital for more than a week now.
PHOTO/S: @gretchenbarretto, @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results