Ruru Madrid reacts to rumored girlfriend Bianca Umali's revealing bikini photo

by Rachelle Siazon
Oct 14, 2019
Netizens tease Ruru Madrid for acting like a "protective boyfriend" towards Bianca Umali.
PHOTO/S: @bianxa / @rurumadrid8 Instagram

Hindi maiwasang mapukaw ang atensiyon ni Ruru Madrid sa sexy bikini photo ng rumored girlfriend niyang si Bianca Umali.

October 11, 2019 nang ibahagi ni Bianca sa Instagram ang litrato niyang nakasuot siya ng puting bikini sa loob ng isang kuwarto na puno ng throw pillows.

May caption itong "simply happy."

Continue reading below ↓

Sa comments' section, isa si Ruru sa showbiz personalities na tila nagulat sa revealing swimsuit ni Bianca.

"Stop," saad ni Ruru kalakip ng isang emoji na napatakip ng mata.

Noong mismong araw na nag-post si Bianca ng bikini photo, may Instagram post din si Ruru na naka-topless sa beach kalakip ng "please stop" na caption.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ani Ruru, "Look, i dont know what to say but can you please stop being so gorgeous?"

Hindi malinaw kung may kaugnayan ito sa revealing photo ni Bianca.

KILIG REACTIONS OF NETIZENS

Pero sa comments' section ng post ni Bianca, kinilig ang netizens sa umano'y pag-aktong "jowa" o "protective boyfie" ni Ruru sa Kapuso actress.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nagkomento rin ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose at sinabi kay Ruru, "grabe na to bro."

BIANCA AND RURU'S DUET

Kagabi, October 13, parehong namataan sina Bianca at Ruru na kabilang sa celebrity guests sa birthday party ng Kapuso actor na si Rodjun Cruz.

Nag-duet pa ang rumored couple ng kilig love song nina Moira dela Torre at Jason Marvin na "Ikaw at Ako," base sa Instagram Story ni Marco Alcaraz.

Continue reading below ↓

Hanggang sa kasalukuyan, walang diretsang pag-amin sina Bianca at Ruru tungkol sa sinasabing lihim nilang relasyon.

SECRET ROMANCE?

Noon pang August 2018 ay makailang-beses nang nakunan ng litrato ang dalawa na magkasamang lumalabas.

Nitong August 2019, nagpahiwatig si Ruru na may nagmamay-ari ng kanyang puso.

Pero nais daw nitong gawing pribado sana ang maganda nilang ugnayan ng hindi pinangalanang babae para makaiwas sa mga intriga.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens tease Ruru Madrid for acting like a "protective boyfriend" towards Bianca Umali.
PHOTO/S: @bianxa / @rurumadrid8 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results