Gretchen, Marjorie, Claudine's father Miguel Barretto dies at 82

by Arniel C. Serato
Oct 15, 2019
Miguel Barretto, father of actresses Gretchen, Marjorie, and Claudine (left photo), passed away this Tuesday afternoon, October 15. He was 82.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto / @marjbarretto on Instagram

Pumanaw na si Miguel Barretto, ang ama ng magkakapatid na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto.

Si Claudine mismo ang nag-anunsiyo ng pagyao ng ama sa pamamagitan ng Instagram ngayong hapon ng Martes, October 15.

Mensahe ng aktres: “Never knew I Could HURT like this. GoodBYE DADDY."

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram feed, nagbahagi rin si Claudine ng sampung-segundong video na kuha sa hospital room ng ama kung saan napalilibutan ito ng kanyang mga kaanak.

Nakalagay sa caption, "We luv u Dad."

Makikita rin sa video si Marjorie.

Isa pang kamag-anak nina Claudine ang mariringgan ng mga ganitong salita sa video: “He told me kanina na ‘I want to fly.’

Continue reading below ↓

“I said, ‘So fly, fly.’ I said that, ‘Fly and soar.”

Ilang araw bago pumanaw ang Barretto patriarch ay humingi ng dasal ang mga anak niyang sina Marjorie at Claudine para sa paggaling ng kanilang ama.

Isinugod sa ospital si Miguel sa mismong 82nd birthday celebration nito noong September 29.

MESSAGES OF SUPPORT

Kaagad namang bumuhos ang mensahe ng pakikiramay mula sa ilang celebrities at netizens sa post na ito ni Claudine.

Lahat sila ay nalungkot sa pagpanaw ng Barretto patriarch.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Naulila ni Miguel Barretto ang kanyang maybahay na si Inday Barretto; pitong anak na sina Mito, Michelle, Jay-jay, Gia, Gretchen, Marjorie, at Claudine; at mga apo.

Maliban sa mga anak na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine, nasa showbiz din ang mga apo ni Miguel na sina Julia at Claudia Barretto (mga anak ni Marjorie) at Cholo Barretto (anak ni Jay-Jay).

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Barretto, father of actresses Gretchen, Marjorie, and Claudine (left photo), passed away this Tuesday afternoon, October 15. He was 82.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto / @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results