Duterte tirades against ABS-CBN just an "expression," says Panelo

by Arniel C. Serato
Oct 15, 2019
Presidential Spokesperson on President Rodrigo Duterte's threats to block ABS-CBN franchise renewal: "Baka expression lang yun ng kanyang inis…"
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: Presidential Communications on Facebook

Halos anim na buwan na lamang mula ngayong Oktubre 2019, matatapos na ang franchise to broadcast ng ABS-CBN.

Nakatakdang matapos ang 25-year franchise ng broadcast giant sa Marso 20, 2020.

Maraming nakabinbing panukala sa dalawang Kapulungan ng Kongreso para maisabatas ang panibagong prangkisa ng ABS-CBN.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa naikakalendaryo ng Committee on Legislative Franchises ng Lower Congress ang pagtatalakay rito.

Naka-recess ngayon ang House of Representatives, at sa November 4, 2019 pa magbabalik ang regular session ng 18th Congress.

Mula Nobyembre 2019 hanggang Marso 2020, may limang buwan pa ang mga mambabatas na talakayin ang tungkol dito.

Ito rin ang pinanindigan ng Malacañang sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Sa panayam sa kanya ng programang The Chiefs ng One News kagabi, October 14, inulit nito ang kanyang pahayag noong Hulyo 18 na nasa Kongreso pa rin ang bola ukol dito.

“Congress pa rin yun, sila ang nagbibigay ng franchise [at] nagre-renew.”

Continue reading below ↓

Ayon pa sa tagapagsalita ng Pangulo, ang mga birada ni President Rodrigo Duterte laban sa ABS-CBN sa ilan niyang public speeches, “Baka expression lang yun ng kanyang inis…"

Dagdag pa ni Panelo, “Basta si Presidente, hindi benggatibong tao, kasi kung benggatibo yan, marami na sigurong nalagas.”

MORE FRANCHISE RENEWAL BILLS

Sa pagsasara ng 17th Congress noong Hunyo 2019, inupuan lamang ng Committee on Legislative Franchises ang House Bill 4349 ni Nueva Ecija Representative Micaela Violago.

Ito ay sa kadahilanang nais daw muna ng komite na makitang naplantsa na ang gusot sa pagitan ni President Duterte at ng ABS-CBN.

May atraso raw kasi ang istasyon sa Pangulo matapos hindi inere ng TV network ang kanyang political ad noong 2016 Presidential Elections kahit bayad na ito.

Ngayong 18th Congress, may limang nakabinbing panukalang batas ukol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Kabilang na rito ang ipinasa nina Lipa Lone District Representative Vilma Santos-Recto (House Bill No. 4305), Pangasinan Representative Rose Marie "Baby" Arenas (House Bill 3521), Laguna Representative Sol Aragones (House Bill 3947), Representative Violago (House Bill 676), at Parañaque Representative Joy Myra Tambunting (House Bill 3713).

Continue reading below ↓

Sa Senado naman, naghain na rin ang mister ni Rep. Santos-Recto na si Senator Ralph Recto (Senate Bill 981) na naglalayon ding magawaran ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Presidential Spokesperson on President Rodrigo Duterte's threats to block ABS-CBN franchise renewal: "Baka expression lang yun ng kanyang inis…"
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: Presidential Communications on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results