Kris Aquino settles "all financial issues, personal differences" with Nicko Falcis

by Rachelle Siazon
Oct 16, 2019
Kris Aquino, Nicko Falcis release similar legal statement about settling their year-long legal battle.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban / Rachelle Siazon

Tinuldukan na ni Kris Aquino ang legal battle nila ni Nicko Falcis, na sinampahan niya ng qualified theft complaint noong October 2018.

Si Nicko ang tumayong business manager, talent agent, at project director ng digital company ni Kris na Kris Cojuangco Aquino Production o KCAP.

Diumano, gumasta si Nicko ng PHP1.2M nang walang permiso gamit ang credit card na ipinagkaloob dito bilang tagapamahala ng KCAP.

Taliwas ito sa paninindigan ni Nicko na pawang business expenses—na ilan pa raw sa mga ito ay kasama ang KCAP staff—ang pinaggamitan niya ng credit card.

Ngayong Miyerkules, October 16, inanunsiyo ni Kris na nagkaayos na sila ni Nicko at pati ng nakatatandang kapatid nitong si Atty. Jesus "Jess" Falcis sa lahat ng "financial issues" at ibang mga hindi nila napagkasunduan noon.

Pahayag ni Kris sa kanyang Instagram post:

"To permanently leave this chapter behind, and embrace all that lies ahead for me, comments for this post shall be turned off.

Continue reading below ↓

"You are FREE to discuss the statement from DivinaLaw, just not on my feed."

Mayroon din siyang inspirational words na nagsasabing:

"LEARN from YESTERDAY...

"LIKE TODAY...

"but above all, make sure to

"LOVE TOMORROW."

Kalakip nito ang official statement mula sa Divina Law, ang legal team ni Kris.

Sabi rito: "Ms. Kristina Bernadette C. Aquino, Mr. Nicardo M. Falcis II and Atty. Jesus Nicardo M. Falcis III have fairly settled all financial issues and amicably worked out all personal differences.

"To avoid any future misunderstanding, no further statement shall be forecoming."

Continue reading below ↓

Makalipas ang ilang oras, naglabas din si Nicko ng maiksing pahayag sa pagtatapos ng legal battle nila ni Kris.

Sa Instagram ni Nicko, ibinahagi niya ang maiksing official statement mula sa kanyang legal teams sa Bernas Law Offices at Ponferrada Ty Offices.

Ang inisyung pahayag ng law firm ni Nicko ay kaparehas lang ng pahayag ng law firm ni Kris.

Sabi rito: "Ms. Kristina Bernadette C. Aquino, Mr. Nicardo M. Falcis II and Atty. Jesus Nicardo M. Falcis III have fairly settled all financial issues and amicably worked out all personal differences.

"To avoid any future misunderstanding, no further statement shall be forecoming."

Continue reading below ↓

KRIS AQUINO'S QUALIFIED THEFT COMPLAINT VERSUS NICKO

Noong October 12, 2018 isinumite ni Kris ang kanyang reklamo laban kay Nicko sa Office of the Prosecutors ng Mandaluyong, Makati, Pasig, San Juan, Manila, Taguig, at Quezon City.

Noong February 2019, magkasunod na na-dismiss ang mga reklamong qualified theft na nakahain sa Office of the Prosecutor ng Makati at Pasig.

Noong April 2019, inatras naman ni Kris ang reklamong qualified theft na isinampa niya laban kay Nicko sa Mandaluyong at San Juan.

Noong buwang ding iyon, o April 10, 2019, nagdesisyon ang Office of the Prosecutor ng Manila na ibasura ang qualified theft na isinampa ni Kris laban kay Nicko.

Sa Office of the Prosecutor ng Taguig, pending ang inirekomendang kasong estafa at credit card fraud laban kay Nicko.

Nakabinbin din noon ang civil case na isinampa ni Kris laban kay Nicko sa Quezon City.

OTHER LEGAL COMPLAINTS

Bukod sa mga reklamong nabanggit, sinampahan din ni Kris ng reklamong nine counts of cyber libel ang kapatid ni Nicko na si Atty. Jess Falcis.

Continue reading below ↓

Kaugnay ito ng mainit na palitan ng salita nina Kris at Atty. Falcis sa social media noong unang bugso ng pagkontra ni Atty. Falcis sa mga paratang na ibinabato ng actress/TV host/web star laban kay Nicko.

Pero lumalabas na ang mga nabanggit na sanga-sangang reklamo ay burado na dahil sa legal na pagkakaayos nina Kris at Nicko.

Noong February 2019, nagsampa rin ang magkapatid na Nicko at Atty. Falcis ng hiwalay na reklamong grave threat laban kay Kris, sa Office of the Prosecutor ng Quezon City.

Pero ibinasura ito ng piskalya noong April 1, 2019.

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng karagdagang pahayag ang abogado ni Kris na si Atty. Ricardo dela Cruz, pero hindi ito sumagot sa ipinadalang text message dito.

Ang nakatatandang kapatid ni Nicko na si Atty. Jesus ay nagbigay naman ng maiksing personal statement.

Aniya, "Christmas is near and the Falcis family is happy to close this chapter in our lives."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino, Nicko Falcis release similar legal statement about settling their year-long legal battle.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban / Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results