Gretchen Barretto visits wake of estranged father Miguel Barretto

by Arniel C. Serato
Oct 17, 2019
Magkasunod na dumating sa burol ni Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park sina Pangulong Rodrigo Duterte at ang anak ng yumao na si Gretchen Barretto.
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram / @marjbarretto on Instagram

Sadyang totoo ang kasabihang "blood is thicker than water."

Marami ang nag-aabang kung pupunta si Gretchen Barretto sa burol ng kanyang yumaong ama na si Miguel Barretto.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang matinding away sa pagitan ni Gretchen at ng kanyang mga magulang sa loob ng maraming taon.

Ngunit sa huli, nanaig ang pagiging anak ni Gretchen.

Nitong Miyerkules ng gabi, October 16, dumating si Gretchen sa burol ng ama sa Heritage Memorial Park, Taguig City, upang magbigay-pugay.

Pumanaw ang Barreto patriarch sa kanyang hospital bed sa St. Luke's Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig, noong Lunes ng hapon, October 15.

Siya ay 82 taong gulang.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Claudine Barretto ang pagdating ng kanyang kapatid na si Gretchen sa burol ng kanilang ama.

Nadatnan ni Gretchen na naroon si Pangulong Rodrigo Duterte, na nakiramay rin sa pamilya Barretto.

Nagbigay-pugay kaagad ang aktres sa Pangulo na nakaupo sa loob ng chapel.

Continue reading below ↓

Makikita rin sa video na nasa likuran ng Pangulo ang ina nina Gretchen at Claudine na si Inday Barretto.

Pagkatapos bumati ni Gretchen kay Pangulong Duterte, mahigpit niyang niyakap ang nakaalitang ina.

Caption ni Claudine sa kanyang Instagram post: "And then,We are Complete @gretchenbarretto im so Proud of u.

"I admire & luv u more today #doubleinfinity #thatsmyAte WELCOME HOME.

Continue reading below ↓

Maliban kina Gretchen at Claudine, ang iba pang mga anak nina Miguel at Inday Barretto ay sina Mito, Michelle, Jay-Jay, Gia, at Marjorie.

PRESIDENT DUTERTE VISITS WAKE

Kasama ni Pangulong Duterte na pumunta sa burol ni Miguel Barretto sina Senator Bong Go at Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Claudine ang video ng pagdating ng Pangulo sa Heritage Memorial Park.

Sa caption, pinasalamatan ni Claudine sina Pangulong Duterte sa pakikiramay ng mga ito sa kanilang pamilya.

Mensahe niya: "Thank you Mr.President, its an Honor to have u pay your Respects to my Dad.

"Godbless u Mr.President, Senator Bong Go & Atty.Panelo."

Continue reading below ↓

Isinugod sa ospital si Miguel noong September 29, araw ng kanyang ika-82 kaarawan, matapos sumama ang pakiramdam habang idinadaos ang kanyang birthday celebration.

Hindi pa malinaw kung kailan ihahatid sa kanyang huling hantungan ang Barretto patriarch.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkasunod na dumating sa burol ni Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park sina Pangulong Rodrigo Duterte at ang anak ng yumao na si Gretchen Barretto.
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram / @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results