Julia Barretto reiterates support for mom Marjorie amid Barretto sisters feud

by Arniel C. Serato
Oct 19, 2019
Julia Barretto publicly supports Marjorie amid escalating feud between her mother and aunts Gretchen and Claudine: "We’re behind you mom. The truth will set you free. You are protected and loved by many. You are the rock of this family. Everyone is behind you. We will all protect you."
PHOTO/S: Courtesy: @marjabarretto / @claubarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Naghayag muli ng kanyang suporta ang Kapamilya star na si Julia Barretto sa kanyang inang si Marjorie Barretto sa gitna ng gusot sa pagitan ng huli at mga kapatid nitong sina Gretchen at Claudine Barretto.

Sa Instagram post ni Marjorie kahapon, October 18, tungkol sa pagsasabi niya ng katotohanan sa susunod na mga araw laban kina Gretchen at Claudine, nagkomento si Julia ng kanyang pakikisimpatiya sa ina.

Continue reading below ↓

Naibalita nitong nakalipas na mga araw na nakabanggaan umano ni Marjorie ang dalawa nitong kapatid sa mismong burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto, na pumanaw noong Martes, October 15.

Mensahe ni Julia para sa ina: “We’re behind you mom.

“The truth will set you free. You are protected and loved by many.

“You are the rock of this family. Everyone is behind you.

“We will all protect you. God is watching. He knows mom, He knows.

“Stand tall, and be still. You hold the truth, the whole family knows the truth.

“Everyone was a witness, everyone will stand by you.”

Continue reading below ↓

“THE EVIL WILL NEVER PREVAIL.”

Kasunod nito, sinabi ng nakababatang Barretto na hindi magtatagumpay ang kasamaan laban sa ina dahil hawak nito ang katotohanan.

Pahayag ni Julia: “Stand tall and be still because the truth is with you.

“They are trying to destroy you, because you live a good life with 5 strong successful well raised children, a family that loves you so much, a peaceful quiet life.

“You are so loved by many mom that’s why they envy you.

“They want to destroy your peace, your happiness and you.

“Don’t worry. Everyone is behind you.

“We will all not let that happen. The evil will never prevail. God is watching.

“He knows mom, He knows. God will protect you. You need only to be still.

“Your whole family will stand by you. You are the most sane mommy.

“They know who and who not to believe. Be strong. Everyone is for you.

Continue reading below ↓

“Usually talaga kung sino ang nananahimik at tunay na masaya, siya pa ang tinatamaan.

“Many are fighting for you mom.

“Hindi ka nagiisa. Marami kami nasa likod mo lang.”

Walang mang binanggit na pangalan si Julia, naniniwala ang maraming nakasubaybay sa away ng Barretto sisters na patama ang mensahe niyang ito kina Gretchen at Claudine.

Continue reading below ↓

THE SCUFFLE

Nagpang-abot si Marjorie at ang nakatatandang kapatid nitong si Gretchen sa burol ng kanilang ama noong October 17, Miyekules, sa Heritage Mermorial Chapels, Taguig City.

Kasama rin daw sa gulo ang pamangkin nilang si Nicole Barretto, anak ni Jay-jay Baretto, na tinangka raw sugurin si Gretchen.

Sinubukan daw ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkasunudin sina Gretchen at Marjorie, ngunit nagmatigas diumano si Marjorie at nauwi sa sabunutan at sampalan ang eksena sa harap ng Pangulo.

Ayon pa kay Senator Bong Go, na kasama ng Pangulo sa lamay, para raw eksena sa isang pelikula ang kanyang nasaksihan.

Lahad ng senador, “Dun ako nakakita ng parang totoong eksena, parang shooting ng eksena sa totoong buhay, kung ano nakikita mo sa pelikula.

"Pumunta po [kami doon] para makiramay sa yumaong ama ng mga Barretto dahil kaibigan po ni Pangulo ang mga Barretto.

"Unfortunately, may away ang pamilya.

“Dun ako nakakita ng parang totoong eksena, parang shooting... sinubukan lang po ng Pangulo na mamagitan sa kanila at maayos ang lahat.”

Continue reading below ↓

Samantala, noong gabi naman ng Huwebes, October 17, sina Claudine at Marjorie naman daw ang nagkasabunutan dahil sa bintang ng huli na nagpapunta raw ang una ng media sa lamay.

Dawit din daw si Julia sa kumprontasyon ng kanyang ina at tiyahin.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto publicly supports Marjorie amid escalating feud between her mother and aunts Gretchen and Claudine: "We’re behind you mom. The truth will set you free. You are protected and loved by many. You are the rock of this family. Everyone is behind you. We will all protect you."
PHOTO/S: Courtesy: @marjabarretto / @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results