Samantha Lo breaks silence; arrives in Venezuela for Miss Grand International 2019

by Jojo Gabinete
Oct 19, 2019
Samantha Lo writes a lengthy message on Instagram to explain why she almost didn't make it to the Miss Grand International 2019 in Caracas, Venezuela.
PHOTO/S: Samantha Lo Instagram

Tuloy na tuloy ang laban ni Samantha Ashley Lo sa Miss Grand International 2019 na magaganap sa October 25, 2019 sa Caracas, Venezuela.

Sa pamamagitan ng Instagram, binasag ni Samantha ang kanyang katahimikan upang ilahad ang kanyang traumatic experience at muntik nang di pagkakatuloy sa sasalihang international beauty pageant.

Naging kontrobersiyal ang biyahe ni Samantha patungo sa Venezuela.

Mabilis na kumalat ang balitang fake ang kanyang passport kaya nang dumating siya sa Paris, France para sa connecting flight niya, na-detain at ipina-deport ang Filipino beauty queen ng French authorities pabalik sa Pilipinas.

Naayos na ang problema ni Samantha at nasa Caracas na siya ngayon para sa Miss Grand International 2019 competition.

Minabuti niyang makarating muna sa Venezuela bago binasag ang kanyang pananahimik tungkol sa tunay na nangyari.

Sa lengthy Instagram post ni Samantha ngayong Linggo ng madaling-araw, October 20, sinabi niyang may kinalaman ang local organizer sa kanyang traumatic experience.

Mabigat din ang sinabi ni Samantha na ang pamilya niya at ilan sa mga kababayan nating may mabubuting kalooban, hindi ang local organizer, ang tumulong sa kanya para makabalik siya sa Pilipinas mula sa Paris.

Continue reading below ↓

Hindi direktang pinangalanan ng beauty queen ang local organizer na tinutukoy niya, ngunit malinaw na ito ay ang Binibining Pilipinas Charities, Inc.

Pinasalamatan din ni Samantha ang Miss Grand International na tinanggap siya at pumayag na magpatuloy sa kumpetisyon.

SAMANTHA LO'S INSTAGRAM POST

Ito ang kabuuan ng paliwanag ni Samantha tungkol sa karanasang hindi niya malilimutan:

“I know people have been waiting to hear from me but this past week has been such a rollercoaster of stress and uncertainty that I felt it was unnecessary to involve the public.

"I chose to break my silence until I arrived in Venezuela because I wanted to make sure I got here safely.

"Despite what happened last week and the trauma that came with it, I have moved forward and pursued this journey knowing that I did not intentionally commit any of the acts that have been unfairly attributed to me.

Continue reading below ↓

"But yes, my local organizer, who handled my travel preparations, failed to equip me with the proper transit visa that may have enabled me to complete my earlier trip to this host country.

"Moreso, it wasn’t them who got me out of detention and put me safely on that plane to come back home. It was my family and other well-meaning Filipinos who did — and they are still not resting until this is over.

"And when this is all over, I hope to bring home the crown and glory to the Philippines and our people.

"It is not easy for me to do this — I still struggle with the fear and the trauma of recent days — but I know there is a bigger picture here and I will not let such fear silence me or deter me from the grand task ahead.

"I have come here not only as the candidate from the Philippines but as the voice of those who have faced similar situations like mine, the voice of those who have been abandoned of opportunity and pressured to remain silent.

Continue reading below ↓

"To Miss Grand International who has welcomed me with open arms, you are an amazing organization that has showed me nothing but compassion and humanity from the very beginning.

"Thank you for accepting me and giving me the opportunity to represent my country."

AND IT'S OFFICIAL

Sa pinakahuling Instagram post ni Samantha ay ibinahagi niya ang kanyang larawan kung saan nakasuot na sa kanya ang sash na may nakasulat na "PHILIPPINES."

Continue reading below ↓

Ito ang simbolo na opisyal na ang kanyang pagiging kandidata ng Pilipinas sa Miss Grand International 2019.

MESSAGE OF SUPPORT

Dahil sa matinding pagsubok na pinagdaanan ni Samantha, ipinagdarasal ng maraming Pilipino ang kanyang tagumpay sa international beauty pageant na sinalihan para ma-vindicate siya.

Ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray ang isa sa mga nagbigay ng suporta kay Samantha sa pamamagitan ng kanyang mensaheng ito:

Continue reading below ↓

“Slay them Kweeeeeeeen.Such an inspiration.Rise above all! And represent our country with pride!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Samantha Lo writes a lengthy message on Instagram to explain why she almost didn't make it to the Miss Grand International 2019 in Caracas, Venezuela.
PHOTO/S: Samantha Lo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results