Alex Gonzaga recalls hacking experience

by Melba R. Llanera
Oct 21, 2019
Alex Gonzaga on negative issue about her: “At least, alam ko naman iyung nangyari. Alam naman natin talaga kung ano ang nangyari. Pag papatol ka pa, parang lalo pang lalaki ang isyu."
PHOTO/S: Noel Orsal

Bilang isa sa mga biktima ng hacking ng social media accounts, nagbabala si Alex Gonzaga na dapat maging doble ingat ang lahat.

“Kapag may mga nagse-send sa atin kahit Google, kailangan nating i-check lagi yung email,” lahad ni Alex nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Himig Handog 2019 winners nitong Oktubre 13, Linggo, sa SRI office ng ABS-CBN.

“Kasi, nasa meeting ako noon ng Happy Cup, di ko na naasikaso.

"Nakita ko lang, verification. Klinik ko, may tumawag sa akin, nagpapa-encode ng mga nagte-text sa akin.

“Hanggang sa minessage na ako ng Google na may nakapasok na hacker. From Google, isipin mo, phishing daw ang tawag doon.

“Dapat daw, lagi mong tsi-check-in yung sender. Chineck ko nga yung sender, hindi siya tagarito."

Isang foreigner ang nag-hack sa YouTube channel ni Alex.

Ginawan na nila ng paraan para ma-block ang nasabing hacker.

“Taga-America siya, Maryhill yung address niya.

Continue reading below ↓

"Kasi, pinalitan na niya yung AdSense, yung commercial kung saan yung payments ng Google. Inaano na niya sa kanya, pa-transfer sa kanya.

“Buti na lang, naagapan, in-stop. Pero sa ngayon, siya pa rin yung primary holder. Pinalitan niya totally.

“Nasa akin pa naman ang channel pero gusto ko lang malaman sa Google kung nasa akin iyon fully 100 percent, kung na-kick out na siya sa channel ko.

“Na-remove na siya, pero sabi nila, may access pa siya.

“Alam mo yung may access siya, pero hindi na siya makapasok pero nandoon pa rin yung pangalan niya. Yun ang tinatanggal namin...

“Kasi, pinalitan ko lahat ng passwords. So, hanggang ngayon, nire-reset pa rin niya."

Ayon pa kay Alex, “Advice ko sa lahat, dapat mag-two step verification pag nagla-log in saka iyung two-step authentication sa lahat ng social media.

"Yung magte-text muna bago makapasok."

BACKTO-BACK ISSUES

Kamakailan din ay nasangkot si Alex sa magkasunod na kontrobersiya kung saan kinukuwesityon ang attitude niya.

Continue reading below ↓

Una, ang pasabog ni Manay Lolit Solis sa Instagram na kesyo inisnab niya ang Kapuso stars na sina Ken Chan at Rita Daniela nang lapitan siya ng dalawa sa isang airport.

Pahayag ni Alex, “Oo, nakakalungkot. Okay na yun.

"Alam mo, yun ang sinabi ng ate ko [Toni Gonzaga], ‘Iyan ang personality na pinapakita mo, kung may mag-misinterpret sa iyo, wala kang magagawa. Kasi, yun ang gusto mo, iyan ang puwedeng bumalik sa iyo. Ganyan ka mag-joke sa tao, ganyan ka sa I Can See Your Voice, so iniisip nila, ganun.’

“May mga times naman na nakikita na porke't nakikita nila ako sa vlog, sa TV, pag nakita nila ako in person na di ako ganoon ka-perky... alam mo yun, kailangan mong timplahin.

“May mga tao pa ring naniniwala, kung kilala ka kung sino ka, iyun ang importante.”

Pangalawa, ang napabalitang pagka-cut niya diumano sa linya ng mga pumipila sa airport.

Continue reading below ↓

“At least, alam ko naman iyung nangyari. Alam naman natin talaga kung ano ang nangyari.

“Pag papatol ka pa, parang lalo pang lalaki ang isyu."

Isa sa nagtatanggol at nagre-react kapag may mga namba-bash kay Alex at sa kapatid na si Toni ay ang inang si Mommy Pinti.

Kuwento ng actress/vlogger, ngayon ay kontrolado na ng ina ang sarili sa mga ganitong pagkakataon.

“Pag may nabasa siya, na-discover niya iyung pagre-reply sa mga comments. Pero ngayon, di na siya ganoon, nako-control na niya.

“Minsan, di ko siya nakokontrol pero ngayon, so far, wala pa siyang comments.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga on negative issue about her: “At least, alam ko naman iyung nangyari. Alam naman natin talaga kung ano ang nangyari. Pag papatol ka pa, parang lalo pang lalaki ang isyu."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results