Dominique Cojuangco answers netizen asking about her absence at grandfather's wake

by Bernie V. Franco
Oct 21, 2019
Dominique Cojuangco, daughter of Gretchen Barretto, responds to netizen who criticized her for not attending her maternal grandfather's wake.
PHOTO/S: @gretchenbarretto and @dominique on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Inalmahan ni Dominique Cojuangco ang isang netizen na pumuna sa kanyang hindi pagpunta sa burol ng kanyang maternal grandfather na si Miguel Barretto.

Si Dominique ay anak ng aktres na si Gretchen Barretto at ng business tycoon na si Tonyboy Cojuangco.

Pumanaw ang Barretto patriarch noong October 15, 2019. Siya ay 82 taong gulang.

Si Dominique ay kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa San Francisco, California.

DOMINIQUE RESPONDS TO BASHER

Noong October 18, Biyernes, isang netizen ang nagkomento sa Instagram post ni Claudine Barretto, kapatid nina Gretchen at Marjorie.

Bumuhos ang maraming komento sa cryptic post na ito ni Claudine, kasunod ng ulat na nagkapisikalan sila ni Marjorie sa burol ng kanilang ama noong gabi ng October 17.

Isang netizen ang nakaagaw ng pansin ng anak ni Gretchen na si Dominique, dahilan upang mag-react ito.

Komento ng netizen, hindi raw nakakatulong ang mga post ni Claudine na may patama dahil lalo lang lumalaki ang away sa kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

Idinawit pa ng netizen sina Gretchen at Dominique sa pamamagitan ng pagta-tag sa mga ito.

Sabi ng netizen: “pay some respect to your dad instead of partying.”

Hindi ito pinalampas ni Dominque.

“you don’t know me,” maiksing mensahe ng dalaga.

Sumundot pa ng isang tanong ang netizen kay Dominique: “@dominique are u in your grandpa’s wake?”

Continue reading below ↓

Sagot ni Dominique: “I’m in a completely different country with a job.”

Continue reading below ↓

Base sa pinakahuling Instagram post ni Dominique, dumalo siya sa kasal ni Alissa Martinez, anak ni Albert Martinez sa yumaong asawang si Liezel Martinez.

Ikinasal si Alissa kay Paulus Reyes sa Banff, Canada, noong October 18.

Sina Dominique at Gretchen ay malapit sa mga anak ni Albert.

Noong panahong iyon ay nakaburol pa ang mga labi ng lolo ni Dominique sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Continue reading below ↓

October 16 nang dumalaw si Gretchen sa burol ng ama, kung saan namataan pa ang pakikipag-ayos niya sa inang si Inday Barretto.

Kinabukasan, October 17, ibinahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram account ang pagdalo niya sa isang engagement party kasama si Tonyboy.

Ito marahil ang pinanggagalingan ng komento ng netizen laban kay Gretchen, gayundin ang pagpuna nito sa pagdalo ni Dominique sa kasal ni Alissa.

Continue reading below ↓

NETIZENS DEFEND DOMINIQUE

Nakakuha naman ng suporta si Dominique mula sa ilang netizens.

Sinabihan ng netizens ang anak ni Gretchen na huwag nang patulan ang mga pumupuna sa kanya.

Ayon naman sa iba, huwag nang idamay si Dominique sa away ng mga Barretto.

Continue reading below ↓

GRETCHEN FLIES TO SAN FRANCISCO

Sa pinakahuling kaganapan, lumipad si Gretchen sa San Francisco para makapiling ang nag-iisang anak na si Dominique.

Ngayong araw, October 21, ibinahagi ni Gretchen sa Instagram ang video ng pagdating niya sa bahay ni Dominique.

Caption dito ng aktres: "Just what i need , a whole lot of love.

Continue reading below ↓

"My little one @dominique asked me to fly to San Francisco for her to feed me , she says she wont let me go home until i gain back some weight... role reversal

"my grandson chapo got to me firstchapo before my baby Dominique ????welcome to San Francisco"

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominique Cojuangco, daughter of Gretchen Barretto, responds to netizen who criticized her for not attending her maternal grandfather's wake.
PHOTO/S: @gretchenbarretto and @dominique on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results